Breaking News
Loading...

Nash at Alexa, Handang Panindigan ang Isa't Isa




Patitibayin ng mga pagsubok ang espesyal na relasyon ng mga karakter
ng Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad sa
pagpapatuloy ng kanilang "Wansapanataym Presents Enchanted House"
ngayong Sabado (Pebrero 1). Sa gitna ng kanilang paghahanap kay
Dorothy (Ara Mina), matutuklasan ng ama ni Alice (Alexa) na si Philip
(Nash) ay anak ng babaeng nagbigay ng sumpa sa kanilang pamilya. Paano
paninindigan ni Philip ang pagkakaibigan nila ni Alice kung ang
kahulugan nito ay masasaktan niya ang sariling ina? Tampok din sa
'Enchanted House' sina Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Candy Pangilinan,
Jaime Fabregas, Celine Lim, Brace Arquiza, Marikit Morales, at Aldred
Gatchalian. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Danica Domingo at direksyon
nina Erick Salud at Jojo Saguin. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng
'enchanting' fairy tale nina Nash at Alexa ngayong Sabado sa Best
Development-Oriented Children's Program ng 2014 UPLB Gandingan Awards
na "Wansapanataym," pagkatapos ng "Bet On Your Baby" sa ABS-CBN. Para
sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang
@abscbndotcom sa Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved