Breaking News
Loading...

JESSY AT NIKKI, NAGSAPAKAN, NAGSAKALAN SA “MERCEDES” FINALE




Haharapin na ni Mercedes (Jessy Mendiola) ang pinakamatinding laban ng kanyang buhay sa kamay ng naghihiganting si Misty (Nikki Gil) bukas sa pagtatapos ng primetime serye na "Maria Mercedes." Matapos paslangin ang kapatid ni Mercedes na si Guillermo (Marx Topacio) at inang si Magnolia (Vina Morales), mawawala na sa katinuan si Misty at hindi na paawat sa pagwawakas ng buhay ni Mercedes at ng magiging supling nila ng dating kasintahan at kinababaliwang si Luis (Jake Cuenca). Tuluyan na nga kayang maging mapait ang pagtatapos ng kwento ng buhay at ng pag-ibig ni Maria Mercedes? Sino ang liligtas sa buhay ni Mercedes? Pakatutukan ang pagtatapos ng "Maria Mercedes" bukas (Jan 24) pagkatapos ng "Got to Believe" sa Primetime Bida ng ABS-CBN.  Para sa updates, sundan ang @MariaMercedesPH sa Twitter at i-like ang www.facebook.com/MariaMercedesOfficialsa Facebook. Ipahayag ang inyong opinion sa show gamit ang hashtag na #MariaMercedesAngPagtatapos

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved