'It's Showtime' Hosts, Nag-alay ng Dasal Para Kay Vhong Navarro
Nag-alay ng dasal ang hosts ng "It's Showtime" noong Sabado (Jan 25) para sa patuloy na paggaling ng kanilang co-host na si Vhong Navarro, habang bumuhos naman online ang suporta mula sa madlang people para sa actor-comedian at poot para sa kanyang sinapit matapos napabalitang binugbog ito sa isang condominium sa Taguig City nitong linggo.
"Maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga Kapamilya natin na nakasama namin sa pagdadasal kagabi, sa mga nagparamdam ng kanilang pagmamahal kay Vhong ," pahayag ni Vice Ganda sa pagbubukas ng noontime show. "Nagpapasalamat po kami dahil buhay si Vhong at makakasama pa natin siya."
"Vhong, nandito kami para sa 'yo. We'd like to take this moment to pray for you," sabi ni Anne Curtis na hindi mapigil ang kanyang mga luha bago pangunahan ang pagdadasal para kay Vhong.
Nanguna naman ang hashtag na #PrayForVhongNavarro sa listahan ng trending topics sa Twitter worldwide matapos mag-tweet ang iba't ibang celebrities at fans ng mga mensahe ng suporta para kay Vhong.
"I just found out the news about Vhong Navarro... It's so sad people do such thing. Please please #PrayForVhongNavarro to recover fast!" ayon sa user na si @SherRosa.
Nag-tweet naman si @SuperIDee ng "Pray for Vhong's fast recovery and for justice. Be strong & get well! We love you!"
"God knows that Vhong is great guy. He knows how Vhong treasures people in his life. We love you Vhong. #PrayForVhongNavarro," dagdag pa ni @_zxcvicerylle.
Mawawala nang pansamantala si Vhong sa "It's Showtime" para sa kanyang patuloy na pagpapagaling, ayon sa kanyang manager na si Chito Rono.

0 comments :
Post a Comment