Breaking News
Loading...

ANGELINE QUINTO, MAGPAPA-SEXY NA?




Mas maalindog na Angeline Quinto ang bubungad sa cover ng latest na album niya sa Star Records na pinamagatang 'Higher Love.'

"Kakaibang Angeline po ang nasa album na ito. Bukod sa medyo sexy po ang cover, mas excited po akong i-share ang bago sa akin bilang singer sa lahat, lalo na sa mga taong sumusuporta sa akin mula nang nagsimula ako," pahayag nni Angeline kaugnay ng kanyang ikatlong album, kung saan tampok ang kauna-unahang komposisyon niya na pinamagatang "Sana2x" (Sana Sana).

"May kakaibang 'feel' po itong 'Sana2x.' Napakasaya lang! Sakto pong pang-New Year, pang-bago at mas masayang buhay nating lahat," ani ng multiplatinum-selling singer. 

Bukod sa "Sana2x," bahagi rin ng tracklist sa 'Higher Love' album ni Angeline ang "Nag-iisa Lang," "Sino Ako Sa 'Yo," "Ako Na Lang," "Ikaw Ang Aking Mundo," "Babalik Kang Muli," "Kung Sakali Man," "Bring Back The Times," "Hanggang Kailan Kita Mamahalin," at "Higher Love." Bahagi rin ng album ang minus one versions ng tracks at ang at 'diva mix' ng "Sana2x." 

Ang 'Higher Love' album ni Angeline ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, www.amazon.com, www.mymusicstore.com.ph atwww.starmusic.ph

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records sa Facebook.com/starrecordsphil o sundan ang @starrecordsph sa Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved