Breaking News
Loading...

Cristine, Pa-Martir Para Kay Paulo?




Pikit-matang nagtitiis at patuloy na nagsasakripisyo para sa kanyang minamahal ang karakter ni Cristine Reyes sa top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na "Honesto." Alang-alang sa kapanatagan ng loob ni Diego (Paulo Avelino), nagdesisyon si Marie (Cristine) na kalimutan muna ang sariling kaligayahan at tumulong sa paghahanap kay Fina (Maricar Reyes). Pinili rin niyang manatili sa mansyon ng pamilya Layer upang samahan si Diego na pigilan ang lumalalang kasakiman ng ama nitong si Hugo (Joel Torre). Hanggang saan ang kayang tiisin ni Marie para sa lalaking kanyang pinakamamahal? Anong gagawin ni Marie kapag natuklasan niyang matagal nang pumanaw si Fina at si Honesto (Raikko Mateo) ay anak ni Diego? Paano mababago ng isang masaklap na pangyayari ang buhay ni Honesto at ng mga taong nakapaligid sa kanya? Huwag palampasin ang napapanahong kwentong nagbabahagi sa kahalagahan ng katotohanan at katapatan, "Honesto," gabi-gabi, pagkatapos ng "TV Patrol" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag–log on sa official social media accounts ng "Honesto" sa Facebook.com/Honesto.TV at Twitter.com/Honesto_TV.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved