Kris, Nag-Renew na ng Kontrata sa ABS-CBN
Kapamilya pa rin ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos siyang mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN nitong Martes (Enero 14) ng hapon.
"Sino ba naman ang gustong umalis sa nangungunang network? Kung hindi rin lang sa ABS-CBN, ibang landas ang tatahakin ko at hindi sa telebisyon," pahayag ni Kris.
Hindi naman itinanggi ni Kris na nakipagpulong siya sa ibang istasyon ngunit nilinaw niyang hindi ito tungkol sa paglipat niya.
"Yung kinita sa 'My Little Bossings,' gagastusin ko sana para mag-umpisa ng sarili kong production company," paliwanag niya.
Bukod sa "Kris TV," kinumpirma rin niya na magkakaroon siya ng bagong online show na mapapanood at maa-access sa ABS-CBNmobile at bagong talk show kasama ang King of Talk na si Boy Abunda. Dapat ding abangan ang "Kris RealiTV Dubai Adventure."
Dumalo sa pirmahan ng kontrata ang business unit head at talent manager ni Kris na si Deo Endrinal, broadcast head ng ABS-CBN na si Cory Vidanes, chairman na si Eugenio Lopez III, presidente at CEO na si Charo Santos–Concio, at ang presidente at managing director ng ABS-CBN Convergence na si Carlo Katigbak.

0 comments :
Post a Comment