Breaking News
Loading...

Iza Calzado, Magbibigay-Inspirasyon Bilang Host ng 'The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles'




Doble ang paghahandang ginagawa ng award-winning actress na si Iza Calzado para sa isa sa pinaka-challenging na projects sa kanyang career—ang pagiging host ng pinakabagong edisyon ng "The Biggest Loser Pinoy Edition" na magsisimula na ngayong Pebrero 3 sa ABS-CBN.

"First time kong mag-host ng isang major TV show. Masaya ako dahil marami akong natututunan. Hangga't maaari sinigurado ko na nagawa ko nang tama at naibigay ko ang pinakamaganda at best na kaya kong maibigay," ani Iza.


Bilang paghahanda, sumailalim sa isang hosting workshop si Iza.

"Siyempre, kailangan kong magtrabaho bilang isang host para matulungan ang buong team na mailahad nang maganda ang istorya ng contestants, at ang magiging istorya nila habang nasa camp sila at ang pagpapayat nila," pahayag ni Iza.

Bukod sa kanyang hosting skills, ibabahagi din ni Iza ang kanyang matinding pinagdaanan sa buhay. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na naging malaking hamon kay Iza ang 'pagiging mataba' noong kabataan niya. Dumaan siya sa matitinding pagsubok sa buhay, ngunit matapang niyang nilabanan ang mga ito at matiyagang nagpapayat. Kaya itinuturing ng marami na credible si Iza para mag-host ng "The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles."

Sa pinagdaan ni Iza sa pagpapayat, napatunayan niyang kaya ring lampasan ng iba pang bigating Pinoy angparehong pagsubok sa kanilang timbang.

Tunghayan ang kwento ng pagbangon ni Iza sa kanyang mga pinagdaanan sa "MMK" ngayong Pebrero 1.

Sa Pebrero 3 naman, makikilala na ang 14 pares ng bigating Pinoy — mag-ina, magkatrabaho, mag-asawa, magkapatid, magpinsan, at iba pa, na maglalaban-laban tungo sa kanilang pangarap na maging "fit" at magkaroon ng mabuting kalusugan.

Tulad ng nakaraang edisyon, titira ang mga kalahok sa loob ng isang camp kung saan sila'y sasanayin ng challenge masters na sina Matteo Guidicelli at Robi Domingo at

mag-asawang coaches na sina Jim at Toni Saret.

Inaasahang uudyukin ng mga miyembro ng bawat pares ang isa't isa na gawin ang lahat upang manatili ang kanilang koponan sa kumpetisyon kaya't masusubok din ang kanilang samahan bilang magkapamilya, magkaibigan, o magkabiyak.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved