ABS-CBN IS THE NO. 1 TV NETWORK FOR 2013
Mula umaga hanggang gabi, ABS-CBN ang pinakatinututukan at numero unong TV network sa bansa noong 2013 matapos itong magtamo ng average national audience share na 42%, o mas mataas ng siyam na puntos sa GMA na may 33%, base sa datos ng Kantar Media.
Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano'y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.
Mula Enero hanggang Disyembre, namayagpag ang ABS-CBN sa lahat ng timeblocks at hinakot rin nito ang lahat ng pwesto sa listahan ng top 15 pinakapinanood na programa sa bansa sa nagdaang taon.
Hindi natinag ang Primetime Bida (6PM-12MN) ng Kapamilya network na may average audience share na 47%, higit 16 puntos ang lamang sa 31% ng GMA. Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kung kaya't importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.
Wagi rin ang ABS-CBN sa morning block (6AM-12NN) sa average audience share na 37% laban sa 33% ng GMA, pati na sa early afternoon block (3PM-6PM) na may 40% kontra sa 36% ng GMA. Hindi rin nagpahuli ang late afternoon block (3PM-6PM) ng Kapamilya network na pumalo sa 38% vs 33% ng GMA.
Patuloy pang pinatunayan ng ABS-CBN ang pagiging numero uno sa taong 2013 matapos nitong masungkit ang lahat ng pwesto sa listahan ng top 15 most-watched programs sa buong bansa kung saan nanguna ang "Juan dela Cruz" sa average national TV rating na 34.7%. Sinundan ito ng "Ina Kapatid Anak" (33.4%), "Princess and I" (31.1%), "Maalaala Mo Kaya" (30.7%), Wansapanataym (29.7%), at "Honesto" (28.3%).
Ang "TV Patrol" pa rin ang pinakapinagkatiwalalan pagdating sa balita sa average national TV rating nito na 27.7%, o sampung puntos ang lamang sa "24 Oras" (17.1%) ng GMA.
Kasama rin sa listahan ang ang "Got To Believe" (27.6%), "Aryana" (26.6%), "Muling Buksan Ang Puso" (26.1%), "Huwag Ka Lang Mawawala" (25.9%), "Pilipinas Got Talent" (25.4%), "Bet On Your Baby" (25.3%), "The Voice of the Philippines" (25.1%), at "Be Careful With My Heart" (22.9%).
Maging sa pagtatapos ng 2013 ay hindi man lang nagawang ungusan ng ibang network ang ABS-CBN. Panalo pa rin ito sa ratings sa buwan ng Disyembre na nagtala ng average national audience share na 43%, mas mataas ng 10 puntos sa 33% ng GMA.
May 26 na TV networks, ad agencies, at pan-regional TV networks ang kasalukuyang naka-subscribe sa ratings services ng Kantar Media na kilala sa buong mundo bilang isang kumpanyang sumusukat at nananaliksik ng mga manonood ng telebisyon. Kabilang sa subscribers nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, 720ConsumerConnect, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, Brand Ideas, and MPG Havas. Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, Sony Pictures Television International, Celestial Tiger, and A&E Television Network. Sa nasabing mga ahensya at kumpanya, naka-subscribe sa parehong urban at rural TV audience measurement surveys ang ABS-CBN, Brand Ideas, MPG Havas, at 720ConsumerConnect.

0 comments :
Post a Comment