Breaking News
Loading...

PNoy, May Aaminin Tungkol sa Miting Nila ni Revilla




Sasagutuin ni Pangulong Benigno Aquino III sa "The Bottomline With Boy Abunda" ngayong Sabado (Enero 25) ang pinakamaiinit na isyung ibinabato sa kaniyang adminstrasyon ngayon kabilang ang akusasyon ni Sen. Bong Revilla kaugnay ng diumano'y panghihimasok niya sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona noong 2012. Ngayong  taon, ano-ano ang mga plano ng Pangulo para solusyunan ang mga isyung pambansa gaya ng priority development assistance fund (PDAF) scam, Freedom of Information (FOI) Bill, Reproductive Health Bill, at ang pagbangon ng 'Yolanda' survivors. Huwag palampasin ang simula ng two-part exclusive interview kay PNoy ng 2013 USTv Awards Best Public Affairs Talk Show na "The Bottomline With Boy Abunda" ngayong Sabado, pagkatapos ng "Banana Split." Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved