Maayos Na Usapan, Tamang Paraan Para Kay Lloydie
Ayon sa karakter ni John Lloyd Cruz na si Romeo sa hit sitcom ng Kapamilya Network na "Home Sweetie Home," kahit matinding away ang hinaharap, pwedeng maayos ang gulo sa mabuting usapan. Sinabi ng dalawang main stars ng programa na sina Lloydie at ang kanyang on-screen partner na si Toni Gonzaga na isa sa mga gusto nila sa "Home Sweetie Home" ay ang pagiging socially relevant nito. Hindi lang pang-entertainment ang kanilang sitcom dahil iba't ibang mga isyu ang pinapakita ng programa at may mga solusyong binibigay pa sa mga ito—lalo na't ngayon na panay kontrobersya ang nangyayari sa bansa. Ayon kay Toni, "Napapanahong programa para sa napapanahong kaganapan" ang "Home Sweetie Home." Ngayong Linggo (Enero 26) mapapanood sa paboritong pampamilyang sitcom ang totoong pagkatao ni Romeo. Kasama ang kanyang minamahal na si Julie (Toni Gonzaga), isang hindi kanais-nais na gulo ang mangyayari sa kanilang barangay. May makakabangga sila nang dahil sa isyu ng pangbu-bully sa isang bata, at sa sobrang tindi pa ng init ng ulo ng kanilang makakaaway, aabot pa sa usapang demandahan ang sitwasyon—ngunit sa problemang ito ay makikita na ni Julie ang tunay na pagka-mature ni Romeo. Ito na kaya ang patunay na maaari nang dumating sa next level ang relationship nina Romeo at Julie? Handa na bang maging father figure si Romeo sa tingin ng kanyang minamahal? Abangan ang lahat ng ito sa susunod na episode ng "Home Sweetie Home" ngayong Linggo (Enero 26) ng 6:45pm pagkatapos ng "Goin' Bulilit". Huwag din palampasin ang mga Kapamilya comedy shows tuwing Sabado (Enero 25), kung kailan eere ang "LUV U" pagkatapos ng "ASAP 19" at "Banana Split: Extra Scoop" pagkatapos ng "MMK".
0 comments :
Post a Comment