Breaking News
Loading...

Andi Eigenmann: 'Ipaglalaban Ko ang Lalaking Mahal Ko'




Inihayag kamakailan ni Andi Eigenmann na handa niyang ipaglaban ang lalaking minamahal niya katulad ng karakter niya sa top-rating fantaserye ng ABS-CBN na "Galema."

"Kaya kong panindigan ang pag-ibig ko anumang pagsubok ang dumating. Kung hindi ko kasi 'yun kayang gawin, bakit pa ako nagmahal?" pahayag ni Andi.

Kung si Andi ay tila masaya sa kanyang personal na buhay, patuloy ang kanyang karakter sa "Galema: Anak ni Zuma" na nangungulila sa mahal niyang si Morgan (Matteo Guidicelli) at sa kanyang pamilya.

Paano isisiwalat ni Galema sa mga mahal niya na buhay siya? Hudyat na ba ng pagbagsak ni Zuma (Derick Hubalde) ang pagbabalik ni Galema o simula pa lamang ito ng mas malalagim na sigalot?

Huwag palampasin ang mas makamandag na kwento ng "Galema: Anak ni Zuma," araw-araw, pagkatapos ng "Kapamilya Blockbusters" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang detalye kaugnay ng "Galema: Anak ni Zuma," bisitahin ang official social networking sites ng programa sa Facebook.com/galemaofficial at Twitter.com/galemaofficial.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved