Breaking News
Loading...

Jericho at JC, Sabik na Sabik sa 'Legal Wife'




Aminado ang internationally-acclaimed actor na si Jericho Rosales at ang new Kapamilya leading man na si JC de Vera na tulad ng maraming viewers ay pinananabikan na nila ang pagsisimula ng kanilang primetime family drama series sa ABS-CBN na "The Legal Wife."



"Nakakatuwa na marami na palang taong matindi na agad ang koneksyon sa 'Legal Wife' dahil lang sa napanood nilang trailer. Sinisiguro po naming may mas malalalim pang kwento kaysa sa title ng show namin. Hindi lang siya tungkol sa pakikiapid," pahayag ni Jericho kaugnay ng kontrobersyal na eksenang sampalan ng mga bidang aktres sa serye na sina Angel Locsin at Maja Salvador.

"Hangad ng show na maipaunawa sa viewers ang mga totoong problemang kinakaharap ng mga lalaki at ng kanilang mga asawa, pamilya, at ng mga relasyon nila sa iba pang tao," ani Jericho.

Tulad ni Jericho, naniniwala rin si JC na mas kakapitan ng viewers ang "The Legal Wife" dahil sa kani-kaniyang laban sa buhay ng mga bidang karakter nitong sina Monica (Angel), Nicole (Maja), Max (JC), at Adrian (Jericho).

"Ipapakita dito ang buhay mula sa iba't ibang anggulo. At dahil tinatalakay sa serye ang mga sitwasyong nangyayari sa tunay na buhay, bawat viewer mararamdaman ang koneksyon sa mga bida at sa kanilang mga pamilya. Sa sobrang makatotohanan ng mga linya ng characters, mapapaisip ka kung kalian mo 'yun huling nasabi sa buhay mo," paliwanag ni JC kaugnay ng kanyang kauna-unahang Kapamilya teleserye.

Bahagi rin ng cast ng "The Legal Wife" ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa larangan ng drama kabilang sina Joem Bascon, Ahron Villena, Rio Locsin, Mark Gil at Christopher de Leon. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng "The Legal Wife" sa Enero 27 (Monday) na sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved