Breaking News
Loading...

Vhong Navarro, Ipina-blotter Dahil sa Reklamong Attempted Rape





Here is the transcript of John Consulta's report in "24 Oras Weekend":

"Sa blotter na pirmado mismo ni Ferdinand Navarro na siyang tunay na pangalan ni Vhong Navarro, inaakusahan siya ng attempted rape.

Ang complainant ay isang 22-taong gulang na estudyante na sadyang hindi pinangalanan dahil sa pagiging sensitibo ng kaso.

"Pasado alas-diyes daw ng gabi nang bumisita si Vhong Navarro sa kanyang condominium sa Bonifacio Global City.

Nang nasa loob na sila ng kanyang condo unit, nagulat na lang daw siya ng biglang hawakan ni Vhong Navarro ang kanyang kamay at hinila ang kanyang buhok at pilit na pinaupo sa isang upuan.

"Nagawa raw niyang manlaban at nakatakbo pa sa kanyang kwarto ng maramdaman ang motibo ni Navarro.



"Pero sinundan daw siya at pilit siyang hiniga sa kanyang kama at tinangkang ibaba ang kanyang shorts.

"Nagmakaawa raw ang 22-taong gulang na dalaga na itigil ni Vhong ang pag-atake pero di raw ito tumigil at pumaibabaw pa raw sa kanya.

"Habang nagaganap daw umano ang pag-atake, bigla raw dumating sa kanyang condominium ang dalawa sa kanyang kaibigan at sumaklolo.

"Isinagawa ng dalawang tao ang isang 'citizen arrest.' Dinala raw nila si Vhong sa SPD para maipablotter ang pangyayari."


Watch the complete report by John Consulta in "24 Oras Weekend" which aired last night on GMA, January 25:

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved