Breaking News
Loading...

Maja Salvador, Tampok sa Throwback Docu na 'Biyaheng Retro'




Sasayaw sa center stage ang mga dancing queen ng kahapon at ngayon sa ultimate throwback docu-show ng taon sa Jeepney TV, ang "Biyaheng Retro," na mapapanood ngayong Linggo (Enero 19).

Mula sa mga sexy gyrations ni Alma Moreno sa "Loveliness" noong 80's hanggang sa kakaibang moves ni Maja Salvador sa "ASAP," ang "Biyaheng Retro" ay maglalagay ng spotlight sa ebolusyon ng mga nauso sa mundo ng pagsasayaw sa telebisyon sa nakaraang tatlong dekada.

Sa "Biyaheng Retro," mapapanood din ang pagbabalik-tanaw ni Alma Moreno noong siya'y bininyagang Tangga Queen ng 80's. Magbibigay din siya ng mga opinion sa mga pagbabagong naganap sa mundo ng pagsasayaw sa telebisyon.

Samahan ang mga host ng "Biyaheng Retro" na sina ABS-CBN News correspondent Mario Dumaual at "Be Careful With My Heart" star Janella Salvador sa latest episode na ito, kung saan tampok din ang rise-to-fame nina Charlene Gonzales, Georcelle Dapat ng G-Force, at iba pang mga babaeng artista; pati na rin ang intense na clash-dance showdown nina Regine Tolentino at Angela Velez na isa sa mga hindi makakalimutang eksena sa telebisyon.

Ang "Biyaheng Retro" ay nakatanggap ng maraming positibong mga komento mula nang mag-ere ito simula Nobyembre 2013 dahil sa kakaibang anggulo nito sa showbiz. Sa premiere episode pa lang nito, nabigyang-focus ang unang break sa showbiz nina Richard Yap at Alice Dixson.

Tinalakay rin ang mga artista ng TV youth program na "Ang TV" sa "Esmyuskee" episode nito kung saan bida sina Rica Peralejo, Vandolph, Baron Geisler, at iba pa.

Ang "Biyaheng Retro" ay umeere tuwing 9:00pm ng Linggo sa Jeepney TV (SkyCable channel 9). Para sa mga update, i-like ang Jeepney TV sa Facebook (www.facebook.com/JeepneyTV).

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved