Breaking News
Loading...

Galema, Tinuklaw ang Bagong Katapat sa Hapon




Pinatikim agad ng "Galema: Anak Ni Zuma" ng ABS-CBN ang tindi ng kamandag nito sa pilot week pa lamang ng bagong katapat na programang "The Borrowed Wife." 

Sa magkakasunod na araw, panalo sa timeslot nito sa hapon ang fantaseryeng pinagbibidahan ni Andi Eigenmann. At base sa pinakahuling datos ng Kantar Media noong Huwebes (Enero 23), patuloy na pagwawagi ng "Galema" sa taglay nitong 10.4% national TV rating kumpara sa karibal na serye sa GMA na nakakuha lamang ng 8.3%. 

Samantala, buong ipinagmamalaki ng Kapamilya hunk na si Ejay Falcon na mapabilang sa cast ng "Galema" at makasama ang na-miss na kaibigang ni Andi.

"Hindi na ako masyadong nailang kay Andi kasi nakasama ko na siya sa time ko sa PBB (Pinoy Big Brother Teen Edition Plus). Pumasok siya noon bilang house player ni Kuya. Makwento si Andi at malalim na tao kaya masarap siyang kausap," kwento ni Ejay na gumaganap sa "Galema" bilang si Sgt. Alex Pagaran na isa sa mga naghahanda kay Galema (Andi) para sa digmaan kontra kay Zuma (Derick Hubalde).

"Ang dapat abangan ng 'Galema' viewers ay kung saan pupunta sa mga susunod na araw ang pagkakaibigan nina Alex at Galema," ani Ejay.

Patuloy na tuklasin ang naiibang kamandag ni "Galema: Anak ni Zuma," tuwing hapon pagkatapos ng "Kapamilya Blockbusters" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang social networking sites ng programa sa Facebook.com/galemaofficial at Twitter.com/galemaofficial.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved