Breaking News
Loading...

KZ, BUENA MANONG MILYONARYO NG “THE SINGING BEE” SA 2014





Maganda ang pasok ng taon para sa "The X Factor Philippines" grand winner na si KZ Tandingan matapos itong magwagi ng P1 milyon sa "The Singing Bee" noong Sabado (Enero 11).

Pinataob ni KZ ang challengers at kapwa singers na sina Frenchie Dy, Sitti Navarro, Duncan Ramos, at Nyoy Volante, maging ang four-week defending champion na si Miss International 2013 Bea Rose Santiago. Si KZ ang ikalawang milyonaryo ng bagong "The Singing Bee" kasunod ng aktres na si Sheryl Cruz na napanalunan rin ang P1 milyon na jackpot noong Disyembre.

Samantala, dahil sa pagkapanalo ni KZ ay muling hahanap ang "The Singing Bee" ng panibago nitong kampeyon na dedepensa sa titulo linggo-linggo. Pahinga muna sa pagpapatawa ang main cast ng bagong sitcom ng ABS-CBN na "Home Sweetie Home" na sina John Lloyd Cruz, Toni Gonzaga, Sandy Andolong, Rico J. Puno, at Jayson Gainza ngayong Sabado (Enero 18) upang makipiyesta sa kantahan sa patok na musical game show tuwing weekend. Sino sa kanila ang tatanghaling bagong defending champion? Isa kaya sa kanila ang susunod na milyonaryo ng programa?

Maki-BEErit sa BEEsyo ng bayan na "The Singing Bee" ngayong Sabado (Enero 18) kasama sina Roderick Paulate at Amy Perez, pagkatapos ng "It's Showtime" sa ABS-CBN. 

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved