Breaking News
Loading...

Love Team Nina Nash at Alexa, Pinaghihiwalay?




Susubukin ang tatag ng pagkakaibigan ng mga karakter nina Nash Aguas at Alexa Ilacad ngayong Sabado (Enero 18) sa pagpapatuloy ng kanilang month-long "Wansapanataym" special na pinamagatang 'Enchanted House.' Sa kabila ng kanilang magandang samahan, mapipilitan si Philip (Nash) na iwasan at layuan si Alice (Alexa) dahil sa utos ng kanyang ina na si Dorothy (Ara Mina). Tuluyan na bang masisira ang relasyon nina Philip at Alice dahil sa mapait na nakaraan ng kanilang mga magulang o maipaglalaban pa ba nila ang kanilang pagkakaibigan? Tampok din sa 'Enchanted House' sina Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Candy Pangilinan, Jaime Fabregas, Celine Lim, Brace Arquiza, Marikit Morales, at Aldred Gatchalian. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Reggie Amigo at direksyon ni Erick Salud. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng 'enchanting' fairy tale nina Nash at Alexa ngayong Sabado sa pinakabagong month-long special ng 2013 Anak TV Seal Awardee "Wansapanataym," pagkatapos ng "Bet On Your Baby" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved