Breaking News
Loading...

ABS-CBN Primetime Bida, Pinapanood ng Mas Maraming Pinoy




Pinagharian ng ABS-CBN shows ang primetime TV at naging top 5 most
watched TV programs sa buong bansa noong Lunes (Enero 27), kung kailan
naglunsad ang kompetisyon ng mga bago nitong teleserye, base sa dotos
mula sa Kantar Media.

Pinakapinanood na TV show ang napapanahong programa tungkol sa
katapatan na "Honesto." Pumalo ito sa all-time high national TV rating
nitong 33.3%. Ang Primetime Bida series na pinagbibidahan nina Paulo
Avelino at Kapamilya child star na si Raikko Mateo ay lamang ng
mahigit 18 puntos kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na
"Adarna" na mayroon lamang 14.9%.

Tinutukan naman ng buong bayan ang "TV Patrol" para sa mga nagbabagang
balita kabilang ang pinakabagong detalye kaugnay ng kaso ng
pambubugbog kay Vhong Navarro. Namayagpag ito bilang pangalawang
most-watched TV program taglay ang national TV rating na 33.1%, o
lampas 18 puntos na lamang sa 14.8% ng katapat nitong newscast na "24
Oras."

Umariba sa ikatlong pwesto ang "Got To Believe" na may 29.8% national
TV rating, o lampas 15 puntos na kalamangan kumpara sa 14.4% ng bagong
katapat na "Carmela."

Kasunod ng "Got To Believe" ang "Annaliza" na nanatiling panalo taglay
ang 23.7% national TV rating o 14 puntos na lamang sa 9.6% pilot
rating ng bago nitong katapat na "Paraiso Ko'y Ikaw."

Samantala, reyna agad ng timeslot nito ang pinakabagong family drama
series na "The Legal Wife," na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Maja
Salvador, JC de Vera at Jericho Rosales. Panglima ito sa
'most-watched' TV programs sa bansa taglay ang 21% national TV rating.
Talo ng 10 puntos ang karibal nitong "Rhodora X" na nagkamit lamang ng
pilot rating na 11%.

Wagi rin sa timeslot nito ang finale week ng Koreanovela na "When A
Man Falls In Love." Panalo ito sa nakamit na 9.4% national TV rating,
kumpara sa katapat nitong "A 100-Year Legacy" na may 6.8% lang.

Tagumpay rin sa TV ratings game ang trending entertainment talk show
ng ABS-CBN na "Buzz ng Bayan" na namayagpag sa listahan ng
most-watched TV shows noong Linggo (Enero 26) taglay ang national TV
rating na 20.5%. Ang episode na nagtampok sa premium exclusive
interview ni Boy Abunda kay Vhong ay naging no. 1 Sunday TV program,
ka-tie ang Kapamilya sitcom na "Home Sweetie Home."

Ang datos mula sa Kantar Media ay batay sa 2,609 na kabahayan sa
parehong urban at rural areas na kumakatawan sa 100% ng kabuuang TV
viewing population ng Pilipinas.

Huwag palampasin ang sunod-sunod na de-kalidad na programa tuwing
gabi--"Annaliza," "TV Patrol," "Honesto," "Got To Believe," "The
Legal Wife," at "When A Man Falls In Love"--sa ABS-CBN Primetime Bida.
At para laging updated sa pinakamaiinit na balitang showbiz, abangan
rin ang "Buzz ng Bayan" tuwing Linggo ng hapon pagkatapos ng "Luv U."

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan
ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved