Janitor Naging Mega-Milyonaryo sa Paggawa ng Carnival Rides
Yumaman sa paggawa ng carnival rides ang dating janitor na si Ramon Santos, na kahit hindi man nakatapos ng pag-aaral ay ginamit ang 13 taon niyang pamamasukan sa Star City upang matutunan ang paggawa at pagpapatakbo ng mga karnabal.
Ngayong Miyerkules (Jan 15) sa "My Puhunan," isasalaysay ni Karen Davila kung paano natutunan ni Ramon, ang may-ari ng Carron Dream Park sa Nueva Ecija, na matutunang magdisenyo, gumawa, at magbenta ng sarili niyang carnival rides.
Mahigit isang dekada matapos mabuo ni Ramon ang una niyang disenyo ng carnival ride, mayroon na rin siyang sariling sinehan, mansiyon, at rancho ang kanyang pamilya.
Tampok din sa "My Puhunan" ang negosyong household cleaning products ni Jeffrey Hidalgo gaya ng dishwashing liquid at detergent. Kilala mang dating "Smokey Mountain" member noong dekada '80, nagtapos din si Jeffrey ng kursong Chemical Engineering noong 2001 at board placer pa.
Bukas (Jan 14) sa "Mutya ng Masa," saksihan ang kwento ni Nanay Edith, na nagbabantay ng booth sa perya. Aniya, ayaw raw niyang mamatay na hindi natatawag na teacher. Matutupad pa kaya niya ang kanyang pangarap?
Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang "My Puhunan" ngayong Miyerkules (Jan 15), at ang katuwang sa lungkot at ligaya ng buhay, ang "Mutya ng Masa" bukas (Jan 14), 4:45PM sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @mypuhunan at @MutyaNgMasa sa Twitter o bisitahin ang www.facebook.com/MyPuhunan at www.facebook.com/MutyaNgMasa.

0 comments :
Post a Comment