Breaking News
Loading...

DAHILAN NG SUNOD-SUNOD NA MALALAKAS NA BAGYO SA BANSA, BUBUSISIIN NI CHECHE




Bakit nga ba madalas tamaan ng malalakas na bagyo at iba pang uri ng kalamidad ang Pilipinas na pangatlo sa listahan ng pinakamahinang bansa laban sa climate change? Ito ang bubusisiin ni Cheche Lazaro sa dokumentaryong "Cheche Lazaro Presents: Panahon Na" ngayong Linggo (January 12).

Marami ang nabigla noong manalasa at magdulot ng higanteng pagbaha ang hindi malilimutang bagyong Ondoy noong 2009 na ayon sa mga opisyal ay bahagi ng hundred-year-flood-cycle. Ngunit makalipas lamang ang isang linggo ay sinundan na ito ng bagyong Pepeng na sumalanta naman sa hilagang Luzon. Bukod sa mga pagbaha dala ng hagupit ng Habagat, tumatak din ang lakas ng iba pang bagyo gaya ng Sendong noong 2011, Pablo noong 2012, at ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng daigdig na Yolanda nito lamang Nobyembre.

Dahil sa climate change, nagbanta ang mga eksperto na marami pang bagyong sinlakas ng bayong Yolanda ang nakatakdang dumating at bumayo sa bansa.

Kakapanayamin ni Cheche ang ilang scientists, mga eksperto, at disaster-reduction managers sa dokumentaryo upang bigyang-linaw ang nakakaalarmang prediksyong ito. Tatalakayin din nila ang mga bantang panganib  sa iba't-ibang panig ng bansa. Anu-ano ang mga dapat gawin upang maging handa sa mga nakaambang kalamidad o kaya naman ay mabawasan ang mga negatibong epekto ng pagbabago ng klima?

Huwag palampasin ang unang handog ng "Cheche Lazaro Presents" sa taong 2014 ngayong Linggo (January 12), pagkatapos ng "Gandang Gabi Vice" sa Sunday's Best ng ABS-CBN.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved