Breaking News
Loading...

Vhong Navarro Tells All in 'Buzz ng Bayan' - Transcript of Interview




Binasag ng host/comedian na si Vhong Navarro ang kanyang katahimikan at pinaunlakan ang "Buzz ng Bayan" na mag-ere ng kanyang tell-all interview tungkol na rin sa naganap na pambubugbog sa kanya noong January 22 sa isang condominium sa Fort Bonifacio.



Narito ang transcript ng interview:

Boy Abunda: "Bakit binabasag mo ang katahimikan mo?"

Vhong Navarro: "Tito Boy una po sa lahat kinakabahan ako, kinakabahan ako hindi lang sa sarili ko.

"Kinakabahan ako para sa mga anak ko, para sa pamilya ko, kasi Tito Boy yung ginawa nila sa akin grabe, binaboy nila ako, tinakot nila ako, pinaratangan na papatayin mga anak ko, magulang ko pati ako.

"Wala pa akong inagrabyado. Ginagawa ko ito dahil alam ko, pwedeng maulit ito.

"Kung sa akin nagawa, I'm sure pwedeng maulit ito, pwedeng maulit sa ibang tao artista o sino man."

"Gusto ko sana ng justice. Gusto ko sanang may mangyaring hustisya. Gusto ko sana may pagbayaran sa gumawa sa akin nito."

"Kung magsusumbong daw ako sa pulis, kaya pumasok po 'yung blotter e, ano po 'yun e meron pong pangba-blackmail na nangyari."


A recuperating Navarro narrated the details of the ordeal in “Buzz ng Bayan” on Sunday afternoon where he name-dropped the stunning model Deniece Milinette Cornejo as the 22-year-old student who invited him to visit her at the condo.

The host/comedian admitted to Boy Abunda that something happened with him and Deniece last January 17 but not to the point of sexual intercourse.

"May nangyari po pero walang sexual intercourse," he said. He left the condo and went home. He received a text from Deniece saying "Bad Boy ka."

He replied "I'm sorry bawi ako."

The next day, January 18, Deniece invited him for dinner. But because of his busy schedule, Navarro told her he will just visit her again on January 22.
 
Wednesday night, the host/comedian did visit her at the condo and even brought some food. After he placed the food on the table, two men entered the room and started to attack him. One of the men he name-dropped as Cedrick Lee Vina Morales' ex-husband according to netizens (that's why "Vina Morales" is also trending on Twitter as of this posting.)

Vhong Navarro narrates:

"Ang ginawa po niya, tinali yung kamay ko, tinali yung paa ko, tapos 'yung ulo ko po nilagay nila sa sahig tapos pinagsasapak ako ni Cedrick habang may nakatutok sa aking baril.

"Tapos po nilalagyan ako ng busal sa bibig sabi niya 'wag kang sisigaw, pag sumigaw ka papatayin ko ang mga anak mo, papatayin ko ang pamilya mo, papatayin kita. Hindi po ako sumisigaw, kalmado lang ako.

"So 'nung b-in-lindfold niya ko, narinig ko bumukas ang pinto may nagpasukang sumapak sa akin ulit, gumulpi sa akin ulit.

"Pagkatapos 'nun nilagyan pa rin ako ng tapal, ng busal sa bibig, tinanggal yung blindfold tapos binaba 'yung pants ko. Tapos v-in-ideo po nila.

"Tapos Tito Boy mula po sa sofa, nilagay po nila ako kung saan ko nilagay 'yung food at pinapasabi nila sa akin 'to: 'Ako si Vhong Navarro, ni-rape ko ang kaibigan ko.

"'Nung mali ang sinabi ko sinapak uli ako ni Cedrick. Sinapak po uli ako. 'Ayusin mo, ulitin mo. Tapos po binaboy po nila kung ano itsura nung...

"Tapos po, ulitin ko raw po 'yung sinabi ko na ako raw po si Vhong Navarro, nang-rape daw po ako ng kaibigan. Nang-rape daw po ako ng kaibigan.

"And then after nun pinaakyat yung pants ko, shorts ko, tapos nagbibiruan sila na 'sipain mo nga yan' mga kasamahan na po nila ito. Sinipa po nila ako, starmometer sinapak po nila ako.

"Tapos sabi nung isang naka-gray na lalake, nakabodyfit 'bigyan mo na lang ng P200,000 si Deniece para damage mo sa kanya.

"Sabi ko sige, umoo na lang po ako natatakot ako e, later on baka ano na ang sunod nilang gawin baka barilin na nila 'ko. Tapos sabi ni Cedric 'hindi, gawin mong P500 thousand.

"Tapos lumapit sa akin 'yung isang Mike, may lumitaw na Mike. Sabi 'nung Mike o dadalhin kita sa presinto ha ipapa-blotter kita. Proteksyon namin 'to sa 'yo kasi baka magsumbong ka. Pero 'yung pagdadalhan natin walang masyadong tao so safe ka pa rin.

"Binaba po nila ako ng condo, nakita po ako ng guard pero wala po silang paninita na nangyari."

"Tinanggal lang ‘yung sa paa para makapaglakad po ako pero ‘yung kamay naka-tape. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nilang blocking pero pinagsumbrero lang po ako na bumababa pero nakatali ‘yung kamay ko. Sinakay nila ako sa van. Naka-shorts ako. Ziniplock pa lahat ng duguan.

"During bumabiyahe po kami, humirit ‘yung Cedric na ‘O imbes na P500,000 gawin mo ng P1 million.’

"Hanggang sa nakarating na kami, medyo liblib po so pagpasok namin, medyo hindi ko masyado nakita kung prisinto po or kung ano. Pagdating doon, may logbook, nagsasalaysay na si Deniece. Kinakausap ako nung Mike, sabi niya, ‘Sinasabi ko sa ‘yo, sundin mo lang gusto naming, ibigay mo lang ‘yung gusto namin, wala kang video na lalabas. Walang media na lalabas basta ibigay mo lang yung usapan natin.’

"During that, narinig ko sinasabi ni Deniece na nahuli daw kami sa akto na nire-rape ko siya kaya daw dumating at ginulpi ako. Parang ganun. Naririnig ko ng konti kasi habang kinakausap ako, naririnig ko lang si Deniece diyan banda.

"...After noon, pinapirma na ako sa blotter tapos tinawag ako ulit ni Cedric sa labas. Lumabas ako, tinawag ako ni Cedric, ‘Iimbes na P1 million, P2 million na.’ Sabi ko wala na akong perang ganun. Hindi ko na kayang ibigay ‘yun, sabi ko hanggang P1 million lang.

"Bumalik ako doon, sabi ko sa pulis, kung pwede ako maghilamos kasi may mga dugo pa ako. Sabi nila kung pwede daw hingin side ko, sabi ko huwag na po.

"...Sabi nila kung gusto ko ilabas statement ko. Sabi ko ayaw ko na po, natatakot ako. Kung ilalabas ko tapos nandoon sila, baka kung ano na namang gawin sa akin.

"After nun, sabi ni Mike ihahatid daw nila ako sa condo kung nasaan ‘yung kotse ko. Lumabas ‘yung Mike saglit, kinausap ko ‘yung pulis sabi ko ‘Kung puwede po ba kayo ang maghatid sa akin?’ Nung hinatid po nila ako…

"‘Yung pulis, kaya lang kasama ‘yung Mike, may isa pang lalaki and mayroon pang isa. Kasama po nila itong mga sumama. Binaba nila ako sa kotse ko. Kumatok pa yung Mike tapos sabi, ‘O mag-ingat kayo.’

"After noon, kinuha ni Mike ‘yung number ko. Nakuha din ni Cedric ‘yung number ko kasi para din sa transaction.

"May binigay silang bangko. After nun, kumatok yung Mike tapos sabi nung Mike, ‘O ingat kayo.’ Sabi ko sa driver ko, ‘Isarado mo na yung bintana. Alis na tayo. Huwag mo na tignan iyan.’ Tapos tumawag. Tumawag at sinabi nung Mike sa akin na, ‘Walang lalabas na video, walang lalabas na blotter, walang lalabas sa media basta ibigay mo lang ang hinihingi namin ni Cedric. Tatawag siya sa ‘yo bukas, ibibigay sa ‘yo ang bank account. I-deposit mo lang doon, tapos ang usapan.’

"Sabi ko, ‘Opo.’ Natatakot po talaga ako Tito Boy. Ang pwede ko lang sagot ay opo, hindi ako pwedeng humindi.

Boy Abunda asked the It's Showtime host what he's thinking during that time.

"Unang papasok siyempre din ‘yung pananakot, pamilya ko, mga anak ko. Tapos ‘yung career ko. Siyempre po after ng nangyari dito, siyempre ‘yung kahihiyan ang pambababoy sa akin.

"Hindi ko alam kung anong kalalabasan nito sa lahat, sa lahat ng mga magulang, sa mga bata, sa mga kaibigan ko. Hindi ko po alam. Basta ang iniisip ko ngayon dito, gusto ko maging safe ‘yung mga anak ko, gusto ko makitang safe ‘yung pamilya ko dahil ayaw kong may mangyari sa kanila.

"Hindi ako rapist. Hindi ako nagda-drugs. Matino akong tao, may takot ako sa Diyos. Mahal ko ang mga magulang ko. May respeto ako sa mga magulang ko kaya gusto ko kung ano ang gagawin ko, hindi gagayahin ng mga anak ko.

"‘Yun nga ang masakit eh. Sa gitna ng nangyari sa akin, ayaw ko sila sa tabi ko muna. Ayaw ko sila sa tabi ko kasi ayaw ko makita nila ‘yung itsura ko. Ayaw ko na mawalan sila ng lakas ng loob kasi nung nakausap ko sila, gusto nilang gumanti kasi siyempre anak iyan eh.

"Ayaw ko po maawa sila, ayaw kong makita nilang ganito ako. Gustong gusto nila pumunta pero sabi ko huwag muna. Di bale kapag nakalabas ako dito, magkikita-kita naman tayo. Kasi gusto ko sila yakapin kaso puro kami telepono. ‘Yung daddy ko ayaw ko papuntahin kasi may sakit ‘yun eh. Pero sabi niya ‘Tatay mo ako, bakit wala ako diyan?’

"Kung hindi ko lalakasan ang loob ko, tulad nga ng sinasabi ko, kung nangyari sa akin ito, I’m sure pwedeng ulitin. Pwedeng mangyari ulit. Kundi man sa akin, sa iba pang mga kasamahan natin sa industriya or ‘yung mga ordinaryong tao na walang mga kapit or ‘yung mga walang kakilala, koneksyon. Kasi itong mga taong ito, malalakas ang koneksyon.

"Kasi Tito Boy, paano kung nagbigay ako ng P1 million? Wala akong assurance kung ilalabas ba nila ‘yung video or what.

Boy then asked Vhong about the video.

"Siguro ‘yung video okay na po ‘yun. Kanila na po ‘yun.

"Ang video po na ito na nakita na binaboy ako from sa ari ko, sa private part ko, pinakita nila na medyo baboy na, at the same time ‘yung video ko na sinasabi na ako si Vhong Navarro at ni-rape ko ang kaibigan ko. Pang-blackmail nila sa akin. Walang akong video na nakikipagtalik dahil hindi nangyari na nakipagtalik ako sa kanya.

Boy asked Vhong about the lessons that he learned from the incident.

"Siguro huwag tayo magtitiwala kahit kanino kasi hindi natin alam kung sino ang mabuti at hindi.

"Sana magkaroon ng hustisya ito dahil ayaw ko na pong maulit ito sa akin or kahit kanino lalo na sa mga ordinaryong tao. Kung nagawa sa akin, pwedeng mangyari sa kanila.

His final words:

"Sa mga sumusuporta po sa akin, salamat po muna sa lahat ng mga dasal niyo na hanggang ngayon po ay nagiging okay po ang aking kalagayan. Salamat po.

"At alam ko sa inyong hindi naniniwala, gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi po ako rapist. Hindi ko po magagawa ‘yun. May takot ako sa Diyos. Kung mayroon man akong kasalanan, isa lang po yun. Sa girlfriend ko.

Sobrang pagpapasalamat ko dahil ito ‘yung sinasabi kong pinaka-down ako sa buhay na talagang hindi niya ako pinabayaan. Hindi niya muna inisip ‘yung sarili niya kung ano mararamdaman niya, kung ano ang reaction niya kasi siyempre pumunta ako. Ang iniisip niya ako pa rin

"Sobra po akong humingi ng tawad na sana bigyan pa niya ako ng chance. Gusto ko lang sabihin sa kanya na hindi ako rapist. Hindi ko magagawa ‘yun Tito Boy.

"Kaya ako humaharap dito dahil gusto ko pong sabihin ang totoo. Hindi ko mahilig magpa-interview kahit po sa mga anak ko, sa mga nangyayari sa buhay ko. Napaka-private ko. Never ko inamin na may girlfriend ako before pero sinasabi ko meron.

"Hindi ako mahilig magpa-interview pero this time, alam ko po ang totoo. Gusto ko itong sabihin at ayaw ko po maulit uli ito. Ayaw ko mangyari ito sa iba."

3 comments :

  1. .mga edukadong tao pala sangkot grabe nman yan sana mabigyan na ng hustisya si vhong..what ever happens vhong idol ka pa dn nmin and pag pray nmin ang pagbilisang paggaling mo d completo ang showtime qong wala ka kahit malau kami sa pinas habang pinapanood nmin kayo nawawala ang homesick nmin basta pagaling ka patuloy kaming magdadasal sau good bless you vhong...we love you vhong

    ReplyDelete
  2. Grabe.. Sangkot na tao ung may kaya pa sa buhay..may mga pinag.aralan, grbe ka deniece ur such a bitch! Kilalang tao ung pamilya nio..sinira mo ung reputasyon nila, sa gnwa mo babagsak yang career mo and do u think my maaawa sau,wala no,kung meron man tanga lng un.. Cedric Lee, oh c'mon boy.. Gagawa gwa ka ng kakagaguhan takot ka nman pala,show urself..pakita mo ung video.ng ma deemed kapa,mabulok kau sa blangguan,both of u at sa lhat nmbugbog kay vhong
    Vhong pagaling ka po,lumaban ka pagmagaling ka na.. Justice will be urs.we'll pray for u..

    ReplyDelete
  3. ang sama ng ginawa nun deniece kay vhong.. napaka buting tao ni vhong.. masahol pa kau sa hayop kulang nalang patayin nio un tao..may takot ba kayo sa diyos.. kung wla sa karma babalik sa inyo yan ksamaan n ginawa nio s kapwa nio,, vhong pinag pray k nmin.. andito lang kmi handa sumoporta sau.. mas naniniwala kmi sayo,, kakampi mo si god.. sna gumaling kna..

    ReplyDelete

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved