Breaking News
Loading...

KIM, XIAN, SAM, AT BEA ROSE, MANGAHAS KAYANG KUNIN ANG P1 MILYON SA “MINUTE TO WIN IT”?




Mag-lakas loob kaya sina Kim Chiu, Xian Lim, Sam Milby, at Miss International 2013 Bea Rose Santiago na suungin ang lahat ng challenges sa 60-second circleng "Minute to Win It" upang masungkit ang P1 milyon na jackpot prize?

Simula ngayong Lunes (Jan 13), isang linggo ng espesyal na episodes ang hatid ng top-rating game show para markahan ang first year anniversary nito tampok ang mga nasabing celebrity players at ilang regular players nito.

Manaig kaya ang pagiging maginoo ni Xian para hayaang magwagi si Kim sa kanilang Head to Head Challenge? Magtagumpay rin kaya si Bea Rose sa 60-second circle matapos niyang mabihag ang mundo sa kanyang ganda? Magpapadaig ba sa kaba si Sam o malalabanan niya ito? Hanggang saang level ang kaya nilang lampasan?

Pababalikin din ng "Minute to Win It" sa Biyernes (Jan 17) ang ilan sa mga pinaka-hindi malilimutang regular players nito para muling maglaro at para itampok kung paano nabago ang kanilang buhay matapos maglaro at magwagi sa game show.

Isa ang "Minute to Win It" ng ABS-CBN sa isa sa mga pinaka-matagumpay na edisyon sa kasaysayan ng popular na international franchise dahil sa consistent na mataas nitong ratings dala na rin ng mga patok at tila madadaling challenges ng programa gamit ang mga ordinaryong bagay na makikita sa bahay, opisina, at eskwela. Isang taon matapos itong magsimulang umere, nananatili itong popular sa parehong mga bata, matatanda, magkakapamilya, magkakaibigan, at iba pa dahil sa iba't ibang edisyong inilunsad ng programa gaya ng Junior Challenge, Head to Head Challenge, at Family Challenge na pawang may kanya-kanyang nakatakdang exciting na rules.  

Panoorin ang espesyal na anniversary week ng "Minute to Win It," na pinangungunahan ni Luis Manzano, Lunes hanggang Biyernes (Jan 13-17), 11AM sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang www.facebook.com/minute2winitPH at sundan ang @Minute2WinItPH sa Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved