Breaking News
Loading...

VICE GANDA, KAPAMILYA PA RIN!




Maganda ang pasok ng taon para sa unkabogable box-office star na si Vice Ganda matapos siyang pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN noong Lunes (Enero 13). "Pinararamdam sa'kin ng mga boss ng ABS-CBN na talagang espesyal ako dahil sa mga oportunidad na binibigay nila sa'kin. Kahit kailan, hindi ko inisip o pinlano na lumipat pa sa ibang network," pahayag niya. Bukod sa sarili niyang Sunday night talk show na "Gandang Gabi Vice" at pagiging isa sa mga hosts ng patok na noontime show  na "It's Showtime," kinumprima ng komedyante na gagawa siya ng isa o dalawang pelikula ngayong taon. "Gusto kong magpakita ng bago para sa mga manonood. Gusto kong gumawa ng action-comedy movie," dagdag niya. Samantala, natawa na lamang si Vice Ganda nang tanungin kung humiling siya ng dagdag sa kanyang talent fee dahil na rin sa sold-out concert niyang "I-Vice Ganda Mo 'Ko Sa Araneta" noong Mayo at blockbuster movie niyang "Girl, Boy, Bakla, Tomboy" noong Disyembre. Tugon niya, "Binigay lang nila kung ano yung deserve ko." Dumalo sa pirmahan ng kontrata ang (L-R) broadcast head ng ABS-CBN na si Cory Vidanes, chairman na si Eugenio Lopez III, presidente at CEO na si Charo Santos–Concio, TV production head na si Laurenti Dyogi, at business unit head na si Deo Edrinal.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved