Breaking News
Loading...

Lazaro at Stella, Huli Sa Akto ni Isabel sa 'Annaliza'





Nagtagumpay na si Stella (Kaye Abad) sa planong akitin si Lazaro (Patrick Garcia) at paghiwalayin sila ng asawang si Isabel (Denise Laurel) matapos silang mahuli mismo sa akto ng pagtataksil sa mas tumitinding kwento ng top-rating primetime family drama na "Annaliza." Kitang kita ni Isabel na magkalapat ang mga labi nina Stella at Lazaro kaya naman agad na nauwi ang tagpo sa isang matensyong kumprontasyon.  Tuluyan na kayang masira ang pamilya Benedicto? Hanggang kailan mailalayo ni Isabel si Annaliza (Andrea Brillantes) kay Lazaro? Samantala, mas lalo ring tumitindi ang hidwaan ng magkapatid na Annaliza at Arlene (Kyline Alcantara) dahil sa lumalala pang selos ni Arlene sa pagiging malapit ni Annaliza kay Dona Amparo (Jean Saburit). Huwag bibitiw sa makapigil-hiningang mga eksena sa "Annaliza" gabi-gabi, bago mag-"TV Patrol" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang official Facebook page nito sa  https://www.facebook.com/Annaliza2013 o sundan ang @Annaliza2013 sa Twitter. Pag-usapan ang "Annaliza" online gamit ang hashtag na #Annaliza.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved