Breaking News
Loading...

Jake Cuenca, Tuloy ang Panliligaw kay Jessy




Magtatapos na ang primetime serye na "Maria Mercedes" sa Biyernes (Jan 24) at bagamat mamimiss ng lubusan ng aktor na si Jake Cuenca ang kanyang leading lady na si Jessy Mendiola sa kanilang linggo-linggong pagkikita sa taping, naniniwala ito na mainam na rin ito lalo na pagdating sa kanyang panliligaw sa aktres.

"Pinakamami-miss ko si Jessy pero mas makakabuti na rin siguro na matatapos na yung show kasi wala ng pressure. Kung paano ako ngayon kay Jessy ay magiging ganoon pa rin ako kahit pagkatapos ng 'Maria Mercedes.' Mas magiging okay siguro ngayon kasi mas pribado na," sabi ni Jake.

Nang tanungin kung mas pursigido pa siyang ligawan si Jessy lalo pa't kinumpirma kamakailan ng tinaguriang "it girl" ngayon sa showbiz na hindi na sila nagkikita ng aktor na si Sam Milby, ang sagot ni Jake ay, "Wala naman sa akin 'yung ibang nanliligaw kay Jessy. Tulad ng sinabi ko rati, kikilalanin ko siya may Sam man o wala o kung maging kami man ni Jessy o hindi. Gusto ko mangyari ang mga bagay sa tamang oras 'yung pareho na kami handa ni Jessy."

Ginanap na noong Martes (Jan 21) ang last taping day ng "Maria Mercedes" kung saan kinunan na ang mga huling pasabog sa programa. Mas makapagil na nga ang mga kaganapan dahil sa hindi paawat na paghihiganti ni Misty (Nikki Gil) sa pamilya nina Mercedes (Jessy Mendiola) at Luis (Jake Cuenca).

Sa kanilang huling linggo, pakaabangan kung ano ang gagawin ni Misty mapagsak lang si Mercedes at kung kaninong buhay ang mabubuwis sa ngalan ng paghihiganti. Maging matamis o mapait kaya ang pagtatapos ng kwento ng buhay at pag-ibig ni Mercedes?

Pakatutukan ang pagtatapos ng "Maria Mercedes" ngayong Biyernes (Jan 24) pagkatapos ng "Got to Believe" sa Primetime Bida ng ABS-CBN.  Para sa updates, sundan ang @MariaMercedesPH sa Twitter at i-like angwww.facebook.com/MariaMercedesOfficial sa Facebook. Ipahayag ang inyong opinion sa show gamit ang hashtag na #MariaMercedesAngPagtatapos

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved