Breaking News
Loading...

Nash, Aaminin na ang Feelings kay Alexa




Maagang Valentine’s gift ang handog sa TV viewers ng Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad ngayong Sabado (Pebrero 8) sa “Wansapanataym Presents: Enchanted House." Sa kabila ng patuloy na alitan ng kanilang mga magulang, aaminin na ni Philip (Nash) ang tunay na nilalaman ng kanyang puso para sa kaibigan na si Alice (Alexa). Kaya bang burahin ng pag-iibigan nina Philip at Alice ang galit sa puso ng kanilang mga pamilya at turuan ang mga ito na patawarin ang isa’t isa? Kasama rin sa ‘Enchanted House’ sina Ara Mina, Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Candy Pangilinan, Jaime Fabregas, Celine Lim, Brace Arquiza, Marikit Morales, at Aldred Gatchalian. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Danica Domingo at direksyon nina Erick Salud at Jojo Saguin. Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng ‘enchanting’ fairy tale nina Nash at Alexa ngayong Sabado sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 UPLB Gandingan Awards na “Wansapanataym,” pagkatapos ng “Bet On Your Baby” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved