Breaking News
Loading...

Angel at Luis, Magkakabalikan Dahil sa 'Minute to Win It'?




Nakakakilig, nakakatawa, at nakakakabang finale ang handog sa TV viewers ng top-rating game show ng ABS-CBN na “Minute To Win It” dahil sa kakaibang reunion ng host na si Luis Manzano sa 'kiti' nitong si Angel Locsin na siyang celebrity player sa susunod na linggo (Pebrero 20 at 21).

Kaabang-abang sa back-to-back finale episodes ang tagpo kung saan buong tapang na sinabi ni Angel na kapag nagawa niya ang isang partikular na challenge ay magiging sila na muli ni Luis.

Sa kabila ng hiyawan ng studio audience, makumpleto kaya ni Angel ang nasabing challenge sa loob ng isang minuto? Ano ang magiging reaksyon ni Luis kung sakaling mangyari ito?

Samantala, maglalaro rin sa finale week ng "Minute To Win It" ang “The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles” challenge masters na sina Matteo Guidicelli at Robi Domingo, “Got to Believe” stars na sina Ian Veneracion at Benjie Paras, at basketball superstar na si Jeron Teng at ang kanyang amang si Alvin laban sa boksingerong si Gerry Penalosa at ang kanyang anak na si JC. Sino kaya sa kanila ang magwagi ng mailap na P1 million jackpot prize?

Namayagpag sa ere ng mahigit isang taon ang “Minute To Win It” dahil sa mga patok nitong tila madadaling challenges gamit ang mga ordinaryong bagay na makikita sa bahay, opisina, at eskwela. Pumatok ito sa panlasa ng maraming manonood--mga bata, matatanda, magkakapamilya, magkakaibigan, at iba pa--dahil sa iba’t iba nitong inilunsad na edisyon gaya ng Junior Challenge, Head to Head Challenge, at Family Challenge na may kanya-kanyang nakatakdang rules na pawang nakakaaliw sa lahat.

Huwag palampasin ang huling linggo ng “Minute To Win It,” Lunes hanggang Biyernes (Pebrero 17 hanggang 21), 11AM sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang www.facebook.com/minute2winitPHat sundan ang @Minute2WinItPH sa Twitter.

2 comments :

  1. Ang sabi ni Angel kay Luis na kung sakaling magawa niya ang challenge "sasagutin" na daw niya si Luis.

    ReplyDelete
  2. Ang sabi pa ni Luis kay Angel "Ang ibig bang sabihin nito nakuha ko na ang matamis mong Oo" Kaya lang parang gustong bawiin ni Angel yung pag Oo niya kay Luis noong time na yun.. Haha! halatadong para lang mapag usapan kaya ginagawa ni Angel ito at pinapaasa niya lang si Luis!

    ReplyDelete

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved