Breaking News
Loading...

'Honesto' Pumalo sa Pinakamataas na TV Rating!




Pumalo na sa panibagong all-time high national TV rating na 35.1% ang "Honesto," ang primetime drama series ng ABS-CBN na nagpapahalaga sa katapatan at kabutihan ng tao. Base sa datos mula sa Kantar Media noong Enero 31 (Huwebes), parami pa nang parami ang hook sa no. 1 primetime TV series na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kapamilya child star na si Raikko Mateo. Lamang ang "Honesto" ng halos 20 puntos kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na “Adarna” na nakakuha lang ng 15.2%. Samantala, tiyak na lalong magiging kapanapanabik ang bawat gabi para sa "Honesto" TV viewers ngayong malapit nang malantad na si Diego (Paulo) ang tunay na ama ni Honesto (Raikko). Ano ang gagawin ni Diego kapag nalaman niya ang nangyari sa dating kasintahan na si Fina (Maricar Reyes)? Mapipigilan pa ba niya ang kasakiman ni Hugo (Joel Torre) sa kabila ng pagbabanta nito sa buhay ni Honesto? Huwag palampasin ang “Honesto,” gabi-gabi, pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag–log on sa official social media accounts ng “Honesto” sa Facebook.com/Honesto.TV atTwitter.com/Honesto_TV.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved