Breaking News
Loading...

'Hilamos Scene' Nina Kathryn at Daniel, Sinorpresa ang TV Viewers




Nakabibinging tilian ang idinulot sa TV viewers ng eksena nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa #G2BSoClose episode ng "Got To Believe" ng ABS-CBN kung saan biglang natulala at nahumaling si Joaquin (Daniel) sa ganda ni Chichay (Kathryn) na mistulang nagkaroon ng 'magical moment' habang naghihilamos ng mukha. 

Bukod sa pagiging no. 1 worldwide trending topic sa Twitter, namayagpag rin sa TV ratings ang episode na umere noong Martes (Pebrero 4) na nagtampok ng nakakikilig na reunion ng ng mga bidang karakter matapos dalawang taong pagkakawalay dahil sa aksidenteng naganap kay Joaquin. Base sa datos mula sa Kantar Media, humataw ng 30.8% % national TV rating ang “Got To Believe” o halos 17 puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong serye sa GMA na “Carmela” na nakakuha lang ng 14.3% 

Samantala, lalong mapapatutok ang buong sambayanan sa mas nakaka-excite na love story nina Joaquin at Chichay lalo na ngayong muli silang pinaglalapit ng tadhana. Magagamot ba ng pag-ibig ang amnesia ni Joaquin o makagagawa pa rin ng paraan si Juliana (Carmina Villarroel) para makubli ang katotohanan sa anak? 

Huwag palampasin ang susunod na panggulat ng “Got To Believe,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Honesto” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, o videos, mag-log on lamang sa www.got2believe.abs-cbn.com at sa official social media accounts ng programa sa www.facebook.com/G2B at www.twitter.com/G2BGottobelieve.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved