'Got to Believe' at 'Huwag Ka Lang Mawawala,' Mabenta sa Asya
Mapapanood na sa tatlong bansa sa Asya ang action-suspense-drama na “Huwag Ka Lang Mawawala” (may international title na “Against All Odds”) habang marami na ring regional content buyers ang nagpahayag ng interes na bilhin ang romantic-comedy na “Got to Believe” matapos dumalo sa taunang content market conference na Asian Television Forum (ATF) kamakailan sa Marina Bay Sands sa Singapore.
“Masaya kami na nagtapos ang 2013 na malakas ang benta ng ating dramas sa ibang bansa. Ang ‘Got to Believe’ at ‘Huwag Ka Lang Mawawala’ ay dalawa sa ating pinakamagandang seryeng ginawa noong 2013 at maraming markets ang nahihimok na ipalabas din ito sa kanila kasabay ng seryeng ‘Be Careful with my Heart.’ Kinakatawan ng tatlong ito ang patuloy na pagganda ng ating pamamaraan ng pagkwento pati na rin ang kalidad ng ating produksyon na pasok sa panlasa ng ibang lahi partikular na sa Asya at Africa,” paliwanag ni ABS-CBN Head of Integrated Acquisition and International Sales and Distribution Leng Raymundo.
Sa pamamagitan ng International Distribution Division ng ABS-CBN, naipamalas at naipagmalaki ng Kapamilya Network sa content buyers ang dalawang nabanggit na serye na tiyak magbibigay ng kakaibang viewing experience sa banyagang fans ng Pinoy soap operas.
Noong January 2014, nabenta at nakatakdang ng ipalabas sa Malaysia, Cambodia, at Vietnam ang “Huwag Ka Lang Mawawala” na pinangungunahan ng ‘Queen of Pinoy Soap Operas’ na si Judy Ann Santos. Nakuha ng serye ang atensyon ng foreign buyers dahil sa matapang na kwento ng buhay ni Anessa (Santos) at dahil ito ang unang “advocacy-series” sa Philippine television.
Sa ATF, marami ring buyers ang interesadong bilhin ang "Got To Believe" kaya't malaki ang posibilidad na maere rin ito sa ibang bansa. Nahimok ang mga buyer sa serye dala na rin ng onscreen magic ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at ang light romantic content nito na naiiba sa kadalasang heavy drama offerings ng ABS-CBN sa merkado. Nalalapit ng matapos ang “Got to Believe” ngunit patuloy pa rin itong namamayagpag sa ratings dala ng malakas na suportang ibinibigay ng KathNiel fans.
Ang “Huwag Ka Lang Mawawala” at “Got to Believe” ay dalawa lamang sa maraming Filipino dramas na naipalabas sa ibang bansa dahil sa ABS-CBN International Distribution.
Ang ABS-CBN International Distribution ay kinikilala sa global arena bilang maasahang foreign content provider. Ito ang pinagkukunan ng dekalibreng Filipino programs sa mahigit 50 bansa sa mundo at nakapagbenta na ng mahigit 30,000 oras ng content worldwide. Dahil sa pagtangkilik na ito kung kaya’t mas pinag-iibayo pa ng ABS-CBN International Distribution ang kanilang serbisyo at mas maraming programa at pelikula pa na gawang Pinoy ang nais nitong maipagmalaki at maipamalas sa ibang kultura.

0 comments :
Post a Comment