ABS-CBN Opens 2014 on Top
Maganda ang pasok ng taong 2014 para sa ABS-CBN dahil unang buwan pa lamang ay pumalo na agad ang average national audience share nito sa 44%, o mas mataas ng 12 puntos sa 32% ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.
Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.
Patuloy ang pamamayagpag ng Kapamilya network sa iba't ibang pang panig ng bansa gaya na lamang sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila), kung saan nagtala ito ng average audience share na 45% kumpara sa GMA na may 36%. Higit pang inungusan ng ABS-CBN ang kalabang network sa Visayas (58%) at Mindanao (57%) na parehong 35 puntos ang lamang 23% at 22% ng GMA.
Malaking bagay pa rin sa pamamayagpag na ito ang patuloy na pangunguna sa primetime (6PM-12MN) block ng ABS-CBN. Noong Enero, pumalo sa average audience share na 48% ang Kapamilya Network, o mahigit 16 puntos sa 32% ng GMA.
Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kung kaya’t importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.
Simula pa lang ay humataw na ang teleseryeng “The Legal Wife” sa average national TV rating na 21.5% at pumang-walo sa listahan ng pinakapinanood na programa noong Enero. Agad nitong tinalo ang kalaban at bago ring lunsad na programa ng GMA na “Rhodora X” (11.2%).
Ang sitcom na “Home Sweetie Home” (20.2%) naman ang programang pinakapinanood tuwing Linggo, habang ang “TV Patrol” (27.2%) pa rin ang pinatinutukang pagdating sa balita.
Panalo rin sa kanyang timeslot ang “Got to Believe” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa average national TV rating na 25.5% na nagpataob sa isa pang bagong teleseye ng GMA na “Carmela” na nakakuha lang ng 13.8%.
Sa kabuuan, 13 sa listahan ng top 15 na programang pinakapinanood sa buong bansa noong Enero ay mula sa ABS-CBN kabilang na ang “Honesto” (29.7%), “Wansapanataym” (28.6%), “Maalaala Mo Kaya (26.5%), “Bet On Your Baby” (25.4%), “Annaliza” (22.4%), “Rated K” (18.7), “Be Careful With My Heart” (17.8%), “Goin Bulilit” (17.2%), at “Maria Mercedes” (15.9%).
May 26 na TV networks, ad agencies, at pan-regional TV networks ang kasalukuyang naka-subscribe sa ratings services ng Kantar Media na kilala sa buong mundo bilang isang kumpanyang sumusukat at nananaliksik ng mga manonood ng telebisyon. Kabilang sa subscribers nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, 720ConsumerConnect, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, Brand Ideas, and MPG Havas. Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, Sony Pictures Television International, Celestial Tiger, and A&E Television Network. Sa nasabing mga ahensya at kumpanya, naka-subscribe sa parehong urban at rural TV audience measurement surveys ang ABS-CBN, Brand Ideas, MPG Havas, at 720ConsumerConnect.

0 comments :
Post a Comment