Breaking News
Loading...

Xian at Bangs, Bida sa Valentine Special ng 'MMK'




Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sina Xian Lim at Bangs Garcia para sa Valentine special ng "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN. Gagampanan ni Xian ang karakter ni Maynard, ang playboy na bibihag sa puso ni Zandrae (Bangs) na lumaking walang tiwala sa sarili dahil sa kanyang kaitiman at kawalang suporta ng kanyang pamilya. Dahil sa pagpapahalagang nadama, hahayaan ni Zandrae na umikot ang kanyang mundo kay Maynard at ibibigay ang lahat-lahat para rito. Paano tatanggapin ni Zandrae kapag natuklasan niyang pinaglaruan lamang siya ng kaisa-isang taong pinaniwalaan niyang nagmahal sa kanya? Bahagi rin ng "MMK" episode ngayong Sabado (Pebrero 15) sina Nadia Montenegro, Joyce So, David Chua, Louella de Cordova, Justin Gonzales, Ben Isaac, Denisse Aguilar, Hannah Flores, Helga Krapf at Kazel Kinouchi. Ang episode ay idinerek ni Garry Fernando, sinulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at isinaliksik ni Akeem del Rosario. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producer na si Lindsay Anne Dizon. Huwag palampasin ang Valentine special ng “MMK" ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang Facebook.com/MMKOfficial.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved