Mga Astiging Kababaihan sa Gobyerno sa 'Cheche Lazaro Presents'
Kilalanin ang mga astig na kababaihan sa gobyerno na sina Chief Justice Lourdes Sereno, Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Justice Secretary Leila de Lima, Internal Revenue Chief Kim Henares ngayong Linggo (Mar 2) sa dokumentaryong “Cheche Lazaro Presents: Palibhasa Babae,” kasabay ng pagdiriwang sa International Women's Month.
Dahil sa ipinapakitang paninindigan ng apat na abugado sa kanilang tungkulin at mga ipinapatupad na alituntunin, patuloy silang umaani ng paghanga pati na rin kritisismo mula sa mga tao.
Sa panayam sa kanila ni Cheche Lazaro, ibabahagi nina Sereno, Morales, de Lima, at Henares ang mga problema ng kani-kanilang opisina, ang mga pagsubok na hinaharap nila bilang mga lider, at kung paano nila ito sinosolusyunan.
Didipensa si Sereno kung bakit hindi siya apektado ng mga komentong hindi umano siya marunong makinig bilang isang minority chief justice. Ipapakita ni Morales kung gaano kahalaga ang disiplina sa Office of the Ombudsman. Tatalakayin naman ni De Lima ang pagiging malapit nila ng presidente habang ibabahagi ni Henares ang tungkol sa umano’y pagtanggi niya sa isang kamag-anak na humihingi ng tulong patungkol sa problema sa buwis.
Bibigyang-linaw sa dokumentaryo kung ano ang tunay nilang intensyon o nais makamit bilang mga lider ng mahahalagang ahensya sa gobyerno.
Kumpara sa mga kababaihan sa ibang bansa, mas natatamasa ng mga Pilipina ang karapatan at kalayaan na kapantay ng sa kalalakihan. Makikita ito sa pagtataguyod ng pamilya, sa ilang posisyon sa gobyerno, at maging sa kasaysayan. Taliwas sa impresyon ng karamihan na mahina ang kababaihan, pinatunayan nina Sereno, Morales, De Lima, at Henares ang pagiging matapang at magaling sa pagtupad ng tungkulin.
Ang "Cheche Lazaro Presents: Palibhasa Babae" ay hindi lamang sumisentro sa kasarian dahil ito’y higit na tumatalakay sa kung papaanong ang apat na kababaihan ay nakikipagsapalaran sa isang gobyernong kilalang napapalilibutan ng kurapsyon.
Huwag palampasin ang “Cheche Lazaro Presents: Palibahasa Babae” ngayong Linggo (Mar 2) pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice” sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

0 comments :
Post a Comment