Breaking News
Loading...

Karen, Kikilalanin ang Dating Kaherang Yumaman sa Buko Pandan




Ibabahagi ni Karen Davila ang kwento kung paano lumago ang negosyong frozen buko pandan salad ni Nelly Co na nagsimula lang sa kanyang garahe at ngayo’y may bakeshop, restaurant, at factory na.

Sa “My Puhunan” ngayong Miyerkules (Feb 19), tunghayan ang kwento ng nagpasimula ng Nathaniel’s Food Corporation, ang dating kahera at maybahay na si Nelly na nagpasikat ng ngayo’y tinatawag nang “Pampanga’s famous buko pandan salad.”

Dalawang libong piso lang ang ipinuhunan ni Nelly sa negosyo noong 1994, ngunit ngayon ay isa na siyang certified multi-millionare. Araw-araw, 500 kahon ng frozen buko pandan salad ang nagagawa nila. Ang kanilang restaurant naman, may 10 branches na at naghahain ng iba’t ibang uri ng pang-meryenda, kakanin, at rice meals.

Samantala, isang nakakakilig na istorya ng pag-ibig naman ang handog ni Doris Bigornia sa “Mutya ng Masa” bukas (Feb 18) kung saan itatampok niya ang “perfect match” na magkasintahang sina Rizza at Joel.

Dalawampu’t anim na taong gulang noon si Riza nang nalaman niyang may sakit siya sa kidney at kailangan niya ng transplant. Handa man ang mga kapamilya at kaibigan niyang mag-donate sa kanya ng kidney, wala ni isa sa kanila ang nag-match at naging compatible sa kanya. Hanggang sa makilala niya si Joel na naging kasintahan niya. Nagkataon namang sa lahat ng pagsusuri, lumalabas na compatible ang kidney nilang dalawa.

Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang “My Puhunan” ngayong Miyerkules (Feb 19), at ang katuwang sa lungkot at ligaya ng buhay, ang “Mutya ng Masa” bukas (Feb 18), 4:45PM sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @mypuhunan at @MutyaNgMasa sa Twitter o bisitahin angwww.facebook.com/MyPuhunan at www.facebook.com/MutyaNgMasa.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved