Breaking News
Loading...

2013 Beauty Queens, Ibabahagi ang 'Pageant Secrets' sa Bottomline




Aangat ang world-class Filipina beauty sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Pebrero 15) sa pagbabahagi nina Miss Universe 3rd runner-up Ariella Arida, Miss Supranational Mutya Johanna Datul, at Miss International Bea Rose Santiago ng kanilang mga sikreto sa tagumpay kay Asia’s King of Talk na si Boy Abunda. Kinabahan ba silang maging kinatawan ng Pilipinas dahil sa sunud-sunod na pagkapanalo ng bansa sa beauty pageants sa mga nakaraang taon? Paano nila sinasagot ang mga kontrobersiyang may kinalaman sa kanilang personal na buhay? Anu-ano ang mga natutunan nila sa buong karanasan ng pagiging beauty queen? Huwag palampasin ang 2014 UPLB Gandingan Awards’ Best Development-Oriented Talk Show na “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado, pagkatapos ng “Banana Split: Extra Scoop.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved