Breaking News
Loading...

Sam Concepcion, Gaganap Bilang Super Fan ni Sheryl Cruz




Love story ng big fan ng aktres na si Sheryl Cruz ang itatampok sa "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Pebrero 8). Sa labis na paghanga kay Sheryl, naging mahirap para kay Tirso (gagampanan ni Sam Concepcion) na magustuhan ang sinumang babaeng ipinakikilala sa kanya. Umabot pa sa puntong naglayas siya at pinaghahanap ng lahat para lamang takasan ang babaeng malayo sa kanyang 'ideal girl.' Tatakas pa rin ba palayo si Tirso kung katapat na niya ang kasing ganda ng kanyang idolo? Bahagi rin ng upcoming "MMK" episode sina Ynna Asistio, Malou Crisologo, Noel Colet, CJ Navato, Giselle Sanchez at William Lorenzo. Ang episode ay idinerek ni Nuel C. Naval, sinulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos, at isinaliksik ni Michelle Joy Guerrero. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producers na sina Lindsay Dizon, Fe Catherine San Pablo, at Niña Laureano. Huwag palampasin ang “MMK" ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang Facebook.com/MMKOfficial.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved