Pagyaman sa Pagmamasahe, Kwento ng Isang Doktor sa 'My Puhunan'
Kursong medisina ang tinapos ni Nol Montalbo, ngunit ang nakakaginhawang pagmamasahe ang nagpayaman sa kanya.
Tunghayan ang kwento ng kanyang pag-asenso at ang paglago ng pagmamay-ari niyang Mont Albo Massage Hut sa pagsasalaysay ni Karen Davila ngayong Miyerkules (Feb 5) sa “My Puhunan.”
Bago pa man nakapag-residency si Nol noon, bumagsak ang negosyo ng kanyang pamilya at naubos ang lahat ng kanilang ipinundar, dahilan kung kaya’t nalugmok sila sa hirap at hindi na natuloy si Nol sa pagdodoktor.
Bilang panganay na anak, kusang naghanap si Nol ng mapagkakakitaan. Isinangla niya ang kanyang relo sa halagang P1,500 at doon ay nagsimulang maglako ng sabon. Nang maka-jackpot at kumita ng P200,000, ipinuhunan niya ito at nagtayo ng kanyang kauna-unahang spa kung saan ang specialty ay ang Pinoy hilot.
Sa loob lamang ng walong taon, 28 branches na ng “Mont Albo” ang naitayo ni Nol. Dahil sa kalidad ng kanilang serbisyo, bawat branch ay kumikita na mula P300,000 hanggang P600,000 kada buwan.
Mula sa pagmamasahe, itatampok ni Karen ang negosyo ng dating Ateneo volleyball player na si Gretchen Ho na “The Inspired Project.” Nagbebenta ito ng mga t-shirt na may nakatatak na inspirational at motivational slogans. Sa pagpupursigi ni Gretchen, available na sa tatlong malls ang kanyang mga disenyong t-shirt.
Sa “Mutya ng Masa” bukas (Feb 4), tutulungan ni Doris Bigornia si Anne Bonzon na pasayahin ang kanyang inang may diabetes sa nalalabing sandali nito.
Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang “My Puhunan” ngayong Miyerkules (Feb 5), at ang katuwang sa lungkot at ligaya ng buhay, ang “Mutya ng Masa” bukas (Feb 4), 4:45PM sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @mypuhunan at @MutyaNgMasa sa Twitter o bisitahin ang www.facebook.com/MyPuhunan atwww.facebook.com/MutyaNgMasa.

sa mgamay business para maprotektahan eto, have your savings goes to insurance that will build cash values.you may teks 09255286363 and 09778122202 for free business insurance assessmant.available also estate planning
ReplyDelete