Epey, Wagi sa 'That's My Tomboy'
Itinanghal na pinaka-T-Boom o pinaka-talentado, pinakamatalino, at pinakamalakas ang karisma ng 25 taong gulang na si April Mariz “Epey” Herher matapos pangalanang kauna-unahang grand winner ng “That’s My Tomboy” beauty pageant ng “It’s Showtime” sa grand finals nito kahapon (Feb 1).
Tinalbog ni Epey ang iba pang 38 na grand finalists para mapanalunan ang P300,000 na cash prize. Napabilib niya ang mga hurado sa kanyang mahusay na sagot nang tanungin kung ano ang ibig sabihin ng tagumpay para sa kanya sa question-and-answer round.
“Ang kahulugan ng tagumpay ay ang makapagpasaya ka ng mga tao, lalo na ang mga pinakamahalagang tao sa buhay mo. ‘Yung mga pangarap sa ‘yo ng ibang tao, nagkakaroon ng katuparan, hindi para sa sarili ko. Tulad nga po ng sinabi ni Blessed Arnold Janssen, ‘To God, the glory. To my neighbors, the benefit. To myself, the burden,’” sagot niya.
Maluha-luhang inalay ni Epey ang kanyang tagumpay sa mga kababayan sa Lubang, Occidental Mindoro kung saan siya nagmula, at pinasalamatan ang “It’s Showtime” sa pagpapamalas ng talento, karisma, at talino ng mga tomboy sa kauna-unahang beauty pageant para sa kanila sa Philippine television.
“Nagpapasalamat po ako sa ‘It’s Showtime’ para sa pagkakataong maipakita na kaming mga T-Boom, karapat-dapat na tanggapin sa lipunan,” pahayag ni Epey, na nagwagi rin ng special award na Best in T-Boom Style para sa kanyang porma.
Pinangalanan namang first runner-up at nag-uwi ng P200,000 si Kim Orencio. Siya rin ang nakatanggap ng Best in T-Boom Talent award para sa kanyang swabe at nakakamanghang dance number.
Wagi naman ng P100,000 ang second runner-up na si Sky Teotico.
Ginawaran naman ang iba pang runners-up na pasok sa Top 5 ng P50,000 na sina Kim Andaya at Phao Faraon. Si Kim ang tumanggap ng Best in T-Boom Smile at si Phao naman ang Talumpating T-Boom Award.
Samantala, napunta ang Trending T-Boom award kay Nicky Escalderon para sa pagkakaroon ng pinakamaraming likes at followers sa kanyang social media accounts, samantalang ang Friendship Award naman ay binigay kay Yhael Basila.
Talaga namang sinubaybayan ng madlang people ang grand finals ng “That’s My Tomboy” matapos pumasok ang hashtag na #ThatsMyTomboyGrandFinals at Congrats Epey Herher sa listahan ng trending topic sa Twitter sa buong mundo.
Naging instant hit ang “That’s My Tomboy” nang inlunsad noong Oktubre 2013 at naging isa sa mga pinaka-inaabangang segments ng numero unong noontime show, kasama ang “Stars on 45” at “I Am PoGay” at pagkatapos ng “Kalokalike.”

0 comments :
Post a Comment