Breaking News
Loading...

Top-Ratings 'Wansapanataym' Special nina Nash at Alexa, Pakikiligin ang TV Viewers Hanggang sa Huli




Ibabahagi ng Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad sa TV viewers ang tunay na halaga ng pamilya at pagpapatawad sa huling episode ng “Wansapanataym Presents Enchanted House” ngayong Sabado (Pebrero 15). Sa gitna ng paghahanap nila ng paraan para mawala ang sumpa, lalong malalagay sa gulo ang pamilya ni Alice (Alexa) dahil sa bagong mahikang natuklasan ng ina ni Philip (Nash) na si Dorothy (Ara Mina). Matututunan na kayang magpatawad ni Dorothy kapag nalagay na niya sa kapahamakan ang sariling anak? Kasama rin sa ‘Enchanted House’ sina Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Candy Pangilinan, Jaime Fabregas, Celine Lim, Brace Arquiza, Marikit Morales, at Aldred Gatchalian. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Danica Domingo at direksyon nina Erick Salud at Jojo Saguin. Huwag palampasin ang pagtatapos ng ‘enchanting’ fairy tale nina Nash at Alexa ngayong Sabado sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 UPLB Gandingan Awards na “Wansapanataym,” pagkatapos ng “Bet On Your Baby” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved