Breaking News
Loading...

Climate Change, May Koneksyon sa mga Kalamidad na Naganap sa Pilipinas




Tatalakayin ng “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Pebrero 8) ang lumalalang kaso ng climate change sa Pilipinas at ang koneksyon nito sa sunod-sunod na kalamidad na naganap noong nakaraang taon. Makakasama ng Asia's King of Talk Boy Abunda sa napapanahong diskusyon tungkol sa mabilis na pagbabago ng klima sa bansa sina National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Usec Eduardo del Rosario, Climate Change Comission (CCC) Sec. Lucille Sering, Project NOAH director Dr. Mahar Lagmay, at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) climate data section chief Dr. Rosalina de Guzman. Ano ang mga dapat gawin ng gobyerno upang maiwasan ang tuluyang pagkasira ng kalikasan dulot ng global warming?Naniniwala ba sila na climate change ang magiging dahilan ng kinatatakutang paggunaw ng mundo? Makialam sa usaping panlipunan at huwag palampasin ang Best Development-Oriented Talk Show ng 2014 UPLB Gandingan Awards na “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado, pagkatapos ng “Banana Split.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved