Breaking News
Loading...

'Moon of Desire' Starring JC de Vera and Meg Imperial Soon on ABS-CBN




Bibida na sa kanilang sariling serye ang Kapamilya stars na sina Meg Imperial at JC de Vera sa nalalapit nilang afternoon soap na “Moon of Desire.” Laking tuwa ng dalawang bituin sa proyektong tampok ang isang kakaibang kwento ng pag-ibig dahil ito ang kauna-unahang lead roles nila kasunod ng matagumpay nilang pag-ganap sa “Galema: Anak ni Zuma” para kay Meg at “The Legal Wife” para naman kay JC. Mula naman sa mga wholesome role sa “Aryana” at “May Isang Pangarap” ay handa na ring makipagsabayan sa pagpapa-sexy ang young actor na si Dominic Roque. Makakasama rin nila sa naturang teleserye ang kontrobersyal na si Ellen Adarna sa kanyang unang pagsabak sa pag-arte at ang model-turned-actor na tiyak pakaabangan na si Miko Raval. Abangan ang “Moon of Desire” na malapit nang painitin ang inyong mga hapon sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang official Facebook page ng programa sa https://www.facebook.com/MoonofDesire.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved