Saksihan ang Kasaysayan ng Pinoy Boxing sa 'Pinoy Pride XXIV: The Future is Now'
Masasaksihan natin ang kinabukasan ng boksing sa Pilipinas sa pakikipagsagupaan ng mga ALA Boxers sa “Pinoy Pride XXIV: The Future is Now” na gaganapin sa Solaire Resorts and Casino sa Sabado (March 1).
Tampok sa main card na sagupaan ang undefeated na si Genesis Servania kontra ang dating World Boxing Association (WBA) super flyweight champion mula Mexico na si Alexander “El Explosivo” Munoz (36-5, 28 KO).
Bata pa nang magsimula si Servania sa boksing at naging matagumpay siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa natatalo matapos ang 23 laban.
“Pinursige ako ng papa ko kasi yung mga kapatid ko nagboboxing din,” sabi ni Servania sa isang interbyu. “Pati yung kapatid ko na babae, nagboboksing, so tinuruan ako para sana ay makatulong sa bahay at maka-iwas sa bisyo.”
Sa huling laban ng 22-taong gulang na Servania ay pinatumba niya sa second round si Rafael Concepcion ng Panama. Isang malaking hakbang para sa karera ni Servania ang laban niya kay Munoz na 28 ang na-knockout (KO) sa 36 na panalo.
“Napanood na namin iyong mga tapes ng kalaban at todo kami sa ensayo,” sagot ni Servania nang tanungin kung handa ang mga ALA Boxers sa kani-kanilang mga laban. “Ready na kami sa kanila.”
Kasama ang iba pang mga boksingero na bumubuo sa “Pinoy Pride XXIV: The Future is Now” na sina Mark "Magnifico" Magsayo. Prince "Albert" Pagara at Melvin Gumban, huwag palampasin ang special telecast sa ABS-CBN Channel 2, Linggo (March 2) ganap na 10:15 am, at ganap na 7 pm sa ABS-CBN Sports+Action Channel 23. Abangan rin ito sa cable, sa Balls Channel ngayong Lunes (March 3), ganap na 5 pm.

0 comments :
Post a Comment