Breaking News
Loading...

Kapamilya Comedy Shows, Sama-samang Magdiriwang ng 'Buhay Komedyante' Ngayong Buwan ng Pagmamahal




Ibang klaseng pag-ibig ang umiikot sa ABS-CBN ngayong buwan, sa pagdiwang ng sama-samang “Buhay Komedyante” ng “Home Sweetie Home”, “Banana Split”, “Banana Nite”, “LUV U”, at “Goin’ Bulilit” ngayong buwan ng Pebrero sa ABS-CBN.

Tatlo sa mga comedy show ng network ang mag-aanibersaryo ngayong buwan, at isang malaking pasasalamat ang handog ng bawat isa para sa mga tawanang ibinahagi sa mga taong nakaraan. Kasama rito ang paboritong kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na nagdiriwang ng ika-9  taon, ang nakakakilig na teen series na “LUV U” na dalawang na taon na , at ang laughtrip na gang ng “Banana Nite” na isang taon na .

Isa pang pasalamat ang handog ng Kapamilya network para sa suporta sa pinakabagong sitcom ng Kapamilya network, ang “Home Sweetie Home” na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz. Mula sa pilot episode nito noong umpisa ng taon ay naging numero uno na kaagad ang programa sa weekend charts.

Bilang isang malaking treat para sa loyal viewers ng Kapamilya comedy, sama-sama ang pagdiwang ng “Buhay Komedyante” ng network ngayong Pebrero—kung kailan ibabahagi ng bawat programa ang pagmamahal at pasasalamat nila sa kanilang audience sa paborito nilang paraan—ang sama-samang tawanan at sama-samang pagsasaya kasama ang lahat ng pamilyang Pinoy.

Huwag palampasin ang mga Kapamilya comedy shows. Panoorin ang “Banana Split: Extra Scoop” tuwing Sabado pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya”, ang “Banana Nite” tuwing weekdays pagkatapos ng “Bandila”, ang “LUV U tuwing Linggo pagkatapos ng “ASAP 19”, ang “Goin’ Bulilit” tuwing Linggo pagkatapos ng “TV Patrol Weekend”, at ang “Home Sweetie Home” tuwing Linggo pagkatapos ng “Goin’ Bulilit”.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved