Coco at Kim, Sabik Nang Makasama Muli ang Isa't Isa
Handang-handa na ang Hari at Prinsesa ng Teleserye na sina Coco Martin at Kim Chiu sa nalalapit nang pagsisimula ng kanilang 'once in a lifetime TV event' sa Primetime Bida ng ABS-CBN na “Ikaw Lamang.”
“Nakakatuwa na pagkatapos ng ilang taon, magkakasama ulit kami ni Kim sa isang teleserye. Sobrang excited ako. Matagal-tagal na rin kasi mula nung nagkatrabaho kami sa ‘Tayong Dalawa’ at ‘Kung Tayo’y Magkakalayo,” kwento ni Coco.
Magkahalong saya at kaba naman ang nararamdaman ni Kim sa pagsisimula ng kanyang bagong serye at bagong tambalan nila ni Coco. Huling napanood sa primetime TV si Kim sa hit family series na "Ina Kapatid Anak," samantalang si Coco ay bumida sa most watched superhero-serye na "Juan dela Cruz."
“Siyempre sa lahat naman po ng project kinakabahan ako, lalo na po rito sa ‘Ikaw Lamang.' Ang huhusay ng lahat ng mga artistang kasama namin. Masasabi kong ito ang pinaka-challenging na role at project na ibinigay sa akin,” ani Kim.
Ibabahagi ng “Ikaw Lamang” sa mga manonood ang kwento ng pag-iibigan ng magkababatang sina Samuel (Coco) at Isabelle (Kim) na susubukin sa paglipas ng panahon at ng malaking sigalot sa pagitan ng kani-kanilang pamilya.
Makakasama rin nina Coco at Kim sa teleserye ang dalawa sa pinakamahuhusay na aktor ng kanilang henerasyon na sina Jake Cuenca at Julia Montes.
Kukumpleto sa award-winning powerhouse cast ng “Ikaw Lamang” sina Ronaldo Valdez, Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Cherie Gil, John Estrada, Daria Ramirez, Meryl Soriano, Spanky Manikan, at Lester Llansang. Kasama rin ang Kapamilya child stars na sina Zaijian Jaranilla, Louise Abuel, Alyanna Angeles, at Xyriel Manabat para sa kanilang natatanging pagganap.
Ang “Ikaw Lamang” ay sa ilalim ng direksyon nina Direk Malu Sevilla at Avel Sunpongco. Ito ang pinakabagong obra ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng "Juan dela Cruz," "Ina Kapatid Anak," ang phenomenal drama series na pinagtambalan nina Coco at Julia na “Walang Hanggan,” at ang unang teleseryeng pimagsamahan nina Coco, Jake, at Kim na “Tayong Dalawa.”
Huwag palampasin ang pagbubukas ng kwento ng “Ikaw Lamang” ngayong Marso 10 (Lunes) na sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Ikaw Lamang" bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.

0 comments :
Post a Comment