Breaking News
Loading...

'Biggest Loser Doubles' Camp, Magbubukas na sa Lunes




Sampung bigating doubles na lang ang magpapatuloy ng kanilang pangarap na magpapayat at makapasok sa camp ng “The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles” sa inaabangang pagbubukas nito ngayong Lunes (Feb 10).


Mula sa 14 orihinal na pares na ipinakilala ngayong linggo, kukunin ang sampung pares na nagbawas ng pinakamalaking porsyento ng timbang sa kanilang 30-day challenge nasumubok sa  kanilang determinasyon na makatungtong sa camp.

Magkikita-kita sa Timbangan ng Bayan ang 14 pares bukas (Feb 8) kung saan magaganap ang makapigil-hininga nilang weigh-in.

Abangan kung makakapasok ang Chinese negosyante brothers na sina Ralph at Christian, nurse sisters na sina Tin at Dianne, mag-asawang Carl at Kayen, magkapatid na Bryan at Ikya, mag-officemates na sina Bien at Mai, magpinsang Lovely at Carol, kambal na sina Chrisfer at Chesfer, showbiz royalties na sina Pat at Cathy, ex-cheerleaders na sina Cherry at Randall, bilbiling beauties na sina Benzi at Ysai, gwapings na sina Francis at Andrew, mag-inang Mommy Osie at Nina, magtropang Tristan at Jepoy, at magkasintahang sina Biggie at Valerie.

Sinu-sinong pares kaya ang bubuo sa opisyal na hanay ng “Biggest Loser Doubles” contestants?

Huwag palampasin ang “The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles” mula Lunes hanggang BIyernes pagkatapos ng “The Legal Wife” sa ABS-CBN Primetime Bida, at tuwing Sabado pagkatapos ng “MMK.” Para sa updates ukol sa programa, sundan lang ang @BLPinoyEdition sa Twitter at ang @biggestloserdoubles sa Instagram o i-like angwww.facebook.com/abscbn.biggestloserpinoyedition.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved