Breaking News
Loading...

Good News

Tourism

Advocacy

Lifestyle

Recent Post

ABS-CBN, Wagi ng Siyam na Anvil Awards

ABS-CBN, Wagi ng Siyam na Anvil Awards

ABS-CBN ang pinakapinarangalang TV network sa ginanap na na 49th Anvil Awards kamakailan matapos mag-uwi ang Kapamilya Network ng pitong awards mula sa taunang parangal ng Public Relation Society of the Philippines (PRSP) na tinaguriang Oscars sa larangan ng public relations.

Wagi ang COMELEC Halalan App ng ABS-CBN Digital News Media, sa pakikipagtulungan sa Commission on Elections (COMELEC), ng Anvil para sa agarang pagbibigay ng resulta ng halalan noong Mayo, personal na impormasyon ng mga botante, at maging lokasyon ng presinto ng botante gamit lang ang ng smartphones at tablets. Nakapagtala ang naturang app ng 6,720,051 page views sa Android at iOs noong May 2013.

Tumanggap din ng parangal ang ika-11 na “Buntis Congress” ng DZMM Radyo Patrol 630 dahil sa patuloy nitong pangangalaga at pagsulong sa kapakanan ng mga buntis sa pamamagitan ng pagsasagawa ng seminars na magtuturo sa kanilang kung paano mapapabuti ang kanilang kalusugan pati na rin ng kanilang magiging sanggol.

Panalo ng Anvil ang ABS-CBN Corporate Communications para sa 2012 Media Christmas Party kung saan higit sa 200 miyembro ng entertainment press at bloggers ang nakisaya at nakaranas paano maging bahagi ng ilang program ng ABS-CBN tulad ng “It’s Showtime,” “Kapamilya Deal or No Deal,” at ang Christmas station ID ng network.

Kinilala naman ang ABS-CBN Film Archives dahil sa matagumpay nitong pagre-restore o pagbuhay sa pelikulang “Himala” sa digital at pagpromote nito sa bagong henerasyon ng mga manonood.

Samantala, dalawa namang Anvil awards ang nakuha ng ABS-CBN Marketing para sa 2012 Christmas campaign ng ABS-CBN na “Lumiliwanag ang Mundo sa Kwento ng Pasko” na nagbahagi ng diwa ng Pasko sa bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagbebenta ng parol, Kwento ng Pasko stories sa “TV Patrol,” Kapamilya Simbang Gabi, Salamat Kapamilya gift cards, viewer promo, Kapamilya Gift Together, ABS-CBN Christmas Special at ang inaabangang Christmas station ID.

Pinarangalan din ng sarili nitong Anvil award ang naturang Christmas station ID na likha ng ABS-CBN Creative Communications Management, dahil sa paghimok nito sa mga manonood na magsilbing liwanag sa buhay ng kapwa sa pamamagitan ng paggawa ng mga simpleng kabutihan.

Hindi naman nagpahuli ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. na nanalo ng dalawang Anvils para sa pagbuo nito ng komunidad sa Calauan via “Bayanijuan in Calauan” at pagtulong sa mga biktima ng bagyong Pablo sa pamamagitan ngTyphoon Pablo Relief and Early Recovery Operations ng Sagip Kapamilya.

Bukod sa pagiging pinakapinarangalang TV network ng Anvil, ABS-CBN din ang nakakuha ng pinakamaraming Bronze Anvil kumpara sa mga kalabang istasyon. Una nitong napanalunan ang Bronze Anvil noong 2007 para sa librong ‘Kapitan’ na nagsalaysay ng buhay ni Eugenio Loez Jr., ang taong nagtatag  sa ABS-CBN, at ikalawa naman noong 2011 para sa Guinness World Record-breaking fun run na “10.10.10. Run for Pasig River”  ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc.

Ang Anvil Awards ay taunang inoorganisa ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP) para sa mga natatanging programa na nagpakita ng husay sa larangan ng public relations at business communications.
'Honesto,' Pananaigin ang Katotohanan Hanggang sa Huli

'Honesto,' Pananaigin ang Katotohanan Hanggang sa Huli

Tinutukan ng TV viewers at netizens ang mga huling laban para sa katotohanan at katapatan ng nangungunang primetime drama series ng ABS-CBN na “Honesto.”

Patunay dito ang datos ng Kantar Media noong Lunes (Pebrero 24) kung kailan nakuha ng number one primetime teleserye ng ABS-CBN ang pinakabago nitong all-time high national TV rating na 35.6%, o mahigit doble sa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na “Adarna” (17.1%). Wagi rin ang “Honesto” sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan pinag-usapan at naging worldwide trending topic ang hashtag na #HonestosLastFifteenNights.

Simula nang umere ito noong Oktubre 2013, gabi-gabi nang tinutukan ng buong sambayanan ang kwento ng “Honesto” dahil sa makatotohanan nitong paglalahad ng kahalagahan ng katapatan at kabutihan sa kapwa-tao.

Bukod sa ‘tapat at totoong’ kwento ng teleseryeng napapanahon, tumatak din sa puso ng mga manonood ang pinakabagong child wonder ng ABS-CBN na si Raikko Mateo na gumaganap bilang si Honesto at ang tambalang Diego at Marie na ginagampanan naman nina Paulo Avelino at Cristine Reyes.

Hanggang saan kayang ipaglalaban nina Diego, Marie, at Honesto ang katotohanan? Kaya pa ba nilang buuin ang kanilang pamilya na pinaghiwalay at winasak ng napakaraming kasinungalingan? Sa huli, magsisisi ba si Hugo Layer (Joel Torre) sa kanyang mga kasalanan?

Bukod kina Raikko, Paulo, Cristine, at Joel, bahagi rin ng powerhouse cast ng “Honesto” sina Eddie Garcia, Janice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Melissa Ricks, at Joseph Marco. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Darnel Joy Villaflor, at produksyon ng Dreamscape Entertainment Television.

Huwag palampasin ang pinakaaabangang pagtatapos ng "Honesto" sa Marso 14 (Biyernes) sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga ekslusibong impormasyon, pictures, at videos, mag-log on sa official social media accounts ng "Honesto" sa Facebook.com/Honesto.TV at Twitter.com/Honesto_TV.
Mga Astiging Kababaihan sa Gobyerno sa 'Cheche Lazaro Presents'

Mga Astiging Kababaihan sa Gobyerno sa 'Cheche Lazaro Presents'

Kilalanin ang mga astig na kababaihan sa gobyerno na sina Chief Justice Lourdes Sereno, Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Justice Secretary Leila de Lima, Internal Revenue Chief Kim Henares ngayong Linggo (Mar 2) sa dokumentaryong “Cheche Lazaro Presents: Palibhasa Babae,”  kasabay ng pagdiriwang sa International Women's Month.

Dahil sa ipinapakitang paninindigan ng apat na abugado sa kanilang tungkulin at mga ipinapatupad na alituntunin, patuloy silang umaani ng paghanga pati na rin kritisismo mula sa mga tao.

Sa panayam sa kanila ni Cheche Lazaro, ibabahagi nina Sereno, Morales, de Lima, at Henares ang mga problema ng kani-kanilang opisina, ang mga pagsubok na hinaharap nila bilang mga lider, at kung paano nila ito sinosolusyunan. 

Didipensa si Sereno kung bakit hindi siya apektado ng mga komentong hindi umano siya marunong makinig bilang isang minority chief justice. Ipapakita ni Morales kung gaano kahalaga ang disiplina sa Office of the Ombudsman. Tatalakayin naman ni De Lima ang pagiging malapit nila ng presidente habang ibabahagi ni Henares ang tungkol sa umano’y pagtanggi niya sa isang kamag-anak na humihingi ng tulong patungkol sa problema sa buwis. 

Bibigyang-linaw sa dokumentaryo kung ano ang tunay nilang intensyon o nais makamit bilang mga lider ng mahahalagang ahensya sa gobyerno. 

Kumpara sa mga kababaihan sa ibang bansa, mas natatamasa ng mga Pilipina ang karapatan at kalayaan na kapantay ng sa kalalakihan. Makikita ito sa pagtataguyod ng pamilya, sa ilang posisyon sa gobyerno, at maging sa kasaysayan. Taliwas sa impresyon ng karamihan na mahina ang kababaihan, pinatunayan nina Sereno, Morales, De Lima, at Henares ang pagiging matapang at magaling sa pagtupad ng tungkulin. 

Ang "Cheche Lazaro Presents: Palibhasa Babae" ay hindi lamang sumisentro sa kasarian dahil ito’y higit na tumatalakay sa kung papaanong ang apat na kababaihan ay nakikipagsapalaran sa isang gobyernong kilalang napapalilibutan ng kurapsyon. 

Huwag palampasin ang “Cheche Lazaro Presents: Palibahasa Babae” ngayong Linggo (Mar 2) pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice” sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.
Interracial Babies Muling Maglalaro sa 'Bet On Your Baby'

Interracial Babies Muling Maglalaro sa 'Bet On Your Baby'

Hindi inakala ng Russian YouTube sensation na si Anna Rabstun-Baylosis na ang simpleng hangarin na maglaro’t mag-enjoy sa cutest game show ng bansa na “Bet On Your Baby” kasama ang Pinoy na mister na si Erick at baby na si Mishka na sila pala ang tatanghaling ika-anim na milyonaryo ng programa noong Sabado (Pebrero 22).

Sa ikalawang pagpupok ng piggy bank ng interracial contestant sa jackpot round na kung tawagin ay “Basagin ang Baboy” ay nasungkit nila ang P1 million.

Bago magwagi sa “Bet On Your Baby,” unang nakilala ang purong Russian na si Anna Rabstun sa kanyang pag-awit ng OPM songs. Sa kanyang pagmamahal sa kulturang Pilipino, hindi rin nakapagtatakang nabihag din ang kanyang puso ng Pinoy na si Erick.

Kasamang naglaro ng Baylosis family ang pamilya ng commercial model na sina January Isaac at DJ na si Delamar Arias.

Ngayong Sabado (Marso 1), muling maglalaro ang mga interracial families sa “Bet On Your Baby.”

Kilalanin ang half British na sina Kiara Collins, at Fil-Am babies na sina Matthew McMahon at Sing Paschal.

Maiuwi kayang muli ang jackpot prize na P1 million? O ito na ba ang pagkakataon na masungkit ang worth P2-million fully furnished house and lot mula sa Camella Homes?

Huwag palampasin ang “Bet On Your Baby” tuwing Sabado sa ABS-CBN pagkatapos ng “TV Patrol Weekend”. Para sa mga update, i-like ang “Bet On Your Baby” sa Facebook (www.facebook.com/betonyourbabyph)atsundan ang @betonyourbabyph sa Twitter o ang betonyourbabyphilippines sa Instagram. Patuloy din na pag-usapan ang game show gamit ang hashtag na #BetOnYourBabyPH.
TV5's Hottest Stars Lead Panagbenga 2014 Closing Ceremonies

TV5's Hottest Stars Lead Panagbenga 2014 Closing Ceremonies

This weekend, all roads will lead to the City of Pines as TV5 spearheads the much-awaited closing ceremonies of the month-long Panagbenga 2014 Festival with the Everyday All the Way sa Panagbenga 2014 show on Sunday, March 2, beginning at4pm at the Upper Session Road Stage, Baguio City.

The grand and colorful culminating show will feature various activities that both families and groups of friends can definitely enjoy together to really feel the complete Panagbenga experience alongside the Kapatid network.

The festive afternoon will have entertaining performances, exciting games, and other fun activities that will be led by some of the Kapatid network’s hottest stars, who will also be introducing brand new shows the viewers can look forward to starting this March!

Leading the way for the Everyday All the Way sa Panagbenga 2014 is the main cast of TV5’s latest daily primetime offering, Confessions of a Torpe, featuring Ogie Alcasid, Alice Dixson, Mark Neumann and Wendell Ramos.

Also in attendance to celebrate with the people of Baguio will be the fun and crazy cast of TV5’s upcoming sitcom, One of the Boys, led by TV5 drama princess Eula Caballero and the five half-Pinoy hunks of Juan Direction—Daniel Marsh, Charlie Sutcliffe, Henry Edwards, Michael McDonnell and Brian Wilson.

And as an added treat for all their fans, the on-screen love tandem of One of the Boys’ Eula Caballero and Daniel Marsh will kick-off this weekend’s festivities with an exclusive meet-and-greet on Saturday, March 1 at SM Tarlac at 1pm, and then at SM Baguio at 4pm.

With one of the most festive and popular annual celebrations of the country coming to a close, TV5 will make sure that your Panagbenga 2014 Festival will be an extra special experience with the exciting Everyday All the Way sa Panagbenga 2014 show!
Sharlene, Jairus at Francis, May Bagong Love Adventure sa 'Wansapanataym'

Sharlene, Jairus at Francis, May Bagong Love Adventure sa 'Wansapanataym'

Masayang summer season ang ihahandog ng Kapamilya teen stars na sina Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Francis Magundayao ngayong buwan ng Marso sa pagsisimula ng pinakabagong month-long special ng "Wansapanataym" na pinamagatang ‘Si Lulu at Si Lily Liit.'

Bibigyang buhay ni Sharlene sa kwento ang karakter ng dalagitang si Lulu at ang kakambal nitong ubod ng liit na si Lily. Dahil nahirapang magkaanak noon ang kanilang mga magulang, humiling ang nanay at tatay ni Lulu at Lily sa isang duwende na makabuo sila ng sarili nilang pamilya. Sa pagtupad ng kanilang pangarap, panibagong pagsubok ang haharapin ng magkapatid nang matuklasan ng ibang tao ang sikreto tungkol sa kakaibang katangian ni Lily.

Paano magbabago ang samahan nina Lulu at Lily sa pagdating nina Harvey (Jairus) at Adrian (Francis) sa kanilang buhay? Ano ang kanilang gagawin sa oras na bumalik ang duwende at magdala ng panganib sa kanilang pamilya?

Makakasama nina Sharlene, Jairus, at Francis sa 'Si Lulu at Si Lily Liit' sina Paul Salas, Assunta de Rossi, Ron Morales, John Lapus, Desiree del Valle, John Medina, JB Agustin, at Nikki Bagaporo. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Manny Palo.

Huwag palampasin ang pagsisimula month-long special nina Sharlene, Jairus, at Francis ngayong Sabado (Marso 1) sa 2013 Anak TV Seal Awardee “Wansapanataym,” pagkatapos ng “Bet On Your Baby” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Saksihan ang Kasaysayan ng Pinoy Boxing sa 'Pinoy Pride XXIV: The Future is Now'

Saksihan ang Kasaysayan ng Pinoy Boxing sa 'Pinoy Pride XXIV: The Future is Now'

Masasaksihan natin ang kinabukasan ng boksing sa Pilipinas sa pakikipagsagupaan ng mga ALA Boxers sa “Pinoy Pride XXIV: The Future is Now” na gaganapin sa Solaire Resorts and Casino sa Sabado (March 1).

Tampok sa main card na sagupaan ang undefeated na si Genesis Servania kontra ang dating World Boxing Association (WBA) super flyweight champion mula Mexico na si Alexander “El Explosivo” Munoz (36-5, 28 KO).

Bata pa nang magsimula si Servania sa boksing at naging matagumpay siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa natatalo matapos ang 23 laban.

“Pinursige ako ng papa ko kasi yung mga kapatid ko nagboboxing din,” sabi ni Servania sa isang interbyu. “Pati yung kapatid ko na babae, nagboboksing, so tinuruan ako para sana ay makatulong sa bahay at maka-iwas sa bisyo.”

Sa huling laban ng 22-taong gulang na Servania ay pinatumba niya sa second round si Rafael Concepcion ng Panama. Isang malaking hakbang para sa karera ni Servania ang laban niya kay Munoz na 28 ang na-knockout (KO) sa 36 na panalo.

“Napanood na namin iyong mga tapes ng kalaban at todo kami sa ensayo,” sagot ni Servania nang tanungin kung handa ang mga ALA Boxers sa kani-kanilang mga laban. “Ready na kami sa kanila.” 

Kasama ang iba pang mga boksingero na bumubuo sa “Pinoy Pride XXIV: The Future is Now” na sina Mark "Magnifico" Magsayo. Prince "Albert" Pagara at Melvin Gumban, huwag palampasin ang special telecast sa ABS-CBN Channel 2, Linggo (March 2) ganap na 10:15 am, at ganap na 7 pm sa ABS-CBN Sports+Action Channel 23. Abangan rin ito sa cable, sa Balls Channel ngayong Lunes (March 3), ganap na 5 pm.
Coco at Kim, Sabik Nang Makasama Muli ang Isa't Isa

Coco at Kim, Sabik Nang Makasama Muli ang Isa't Isa

Handang-handa na ang Hari at Prinsesa ng Teleserye na sina Coco Martin at Kim Chiu sa nalalapit nang pagsisimula ng kanilang 'once in a lifetime TV event' sa Primetime Bida ng ABS-CBN na “Ikaw Lamang.” 

“Nakakatuwa na pagkatapos ng ilang taon, magkakasama ulit kami ni Kim sa isang teleserye. Sobrang excited ako. Matagal-tagal na rin kasi mula nung nagkatrabaho kami sa ‘Tayong Dalawa’ at ‘Kung Tayo’y Magkakalayo,” kwento ni Coco. 

Magkahalong saya at kaba naman ang nararamdaman ni Kim sa pagsisimula ng kanyang bagong serye at bagong tambalan nila ni Coco. Huling napanood sa primetime TV si Kim sa hit family series na "Ina Kapatid Anak," samantalang si Coco ay bumida sa most watched superhero-serye na "Juan dela Cruz." 

“Siyempre sa lahat naman po ng project kinakabahan ako, lalo na po rito sa ‘Ikaw Lamang.' Ang huhusay ng lahat ng mga artistang kasama namin. Masasabi kong ito ang pinaka-challenging na role at project na ibinigay sa akin,” ani Kim. 

Ibabahagi ng “Ikaw Lamang” sa mga manonood ang kwento ng pag-iibigan ng magkababatang sina Samuel (Coco) at Isabelle (Kim) na susubukin sa paglipas ng panahon at ng malaking sigalot sa pagitan ng kani-kanilang pamilya. 

Makakasama rin nina Coco at Kim sa teleserye ang dalawa sa pinakamahuhusay na aktor ng kanilang henerasyon na sina Jake Cuenca at Julia Montes. 

Kukumpleto sa award-winning powerhouse cast ng “Ikaw Lamang” sina Ronaldo Valdez, Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Cherie Gil, John Estrada, Daria Ramirez, Meryl Soriano, Spanky Manikan, at Lester Llansang. Kasama rin ang Kapamilya child stars na sina Zaijian Jaranilla, Louise Abuel, Alyanna Angeles, at Xyriel Manabat para sa kanilang natatanging pagganap. 

Ang “Ikaw Lamang” ay sa ilalim ng direksyon nina Direk Malu Sevilla at Avel Sunpongco. Ito ang pinakabagong obra ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng "Juan dela Cruz," "Ina Kapatid Anak," ang phenomenal drama series na pinagtambalan nina Coco at Julia na “Walang Hanggan,” at ang unang teleseryeng pimagsamahan nina Coco, Jake, at Kim na “Tayong Dalawa.” 

Huwag palampasin ang pagbubukas ng kwento ng “Ikaw Lamang” ngayong Marso 10 (Lunes) na sa Primetime Bida ng ABS-CBN. 

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Ikaw Lamang" bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.
Pokwang, Magpapaluha ng 'MMK' Viewers Ngayong Sabado

Pokwang, Magpapaluha ng 'MMK' Viewers Ngayong Sabado

Matiising asawa at masipag na ina ang karakter na bibigyang buhay ni Pokwang sa "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Marso 1). Gaganap siya bilang si Mely, ang maybahay na nagbulag-bulagan sa pambababae ng kanyang mister upang mapanatiling buo ang kanyang pamilya. Paano naikubli ni Mely mula sa kanyang mga anak ang kasalanan ng kanyang asawa? Ano ang kwento sa likod ng 15 taon niyang pag-iikot sa mga kalye ng Bacolod para magbenta ng arroz caldo? Bahagi rin ng "MMK" episode ni Pokwang sina Emilio Garcia, Marco Gumabao, Lance Lucido, Beauty Gonzalez, Althea Guanzon, Brian Poe Llamanzares, Celine Lim, Aaron Junatas, Abby Bautista, Jun Urbano, Jef Gaitan, Yda Yaneza, at Carla Guevarra. Ang episode ay idinerek ni Garry Fernando, sinulat nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos, at isinaliksik ni Michelle Joy Guerrero. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producer na si Lindsay Anne Dizon. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK" ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. 
no image

Re: PRESS RELEASE: Stop Mediocrity in Your Life, Read 'An Enemy Called Average'

Hi Edsel, 

I already blogged this at http://www.esupermommy.com/2014/02/be-motivated-with-an-enemy-called-average-book/ . If you have book about beautiful quotes, DIY, or blogging, internet marketing - it will be much appreciated.

Kindly send me copies of these books at:

Name: Ma. Jemimah Alvarado
Address: 79 Intan St. North Diversion Road, Caloocan City


Best Regards, 


On Sun, Feb 23, 2014 at 9:07 PM, Edsel Roy <starmometer@gmail.com> wrote:
Hi guys,

Good evening!

I hope u can accommodate the following press release on your blogs.

If you did, kindly email me the link so I can order two copies of the books for you as token.

Thanks and God bless,

Edsel :)


=========================================================


AN ENEMY CALLED AVERAGE

A great read for those who are tired of mediocrity. This book will encourage and help you to define your aspirations and goals, and inspire you to aim for excellence in your endeavors.

Within every person has been placed a desire to be different, distinctive...To be an original. Deep down inside, everyone wants to be above average. No one really wants to 'just get by'... and John Mason believes that regardless of where you are in life, or how much you have or have not accomplished, God has a unique gift and calling just for YOU. 

Divided into 52 "nuggets" of truth, An "Enemy Called Average" is a source of godly wisdom, scriptural motivation and practical principles. The words of this book will stir up the gifts inside of you. If you're looking for answers to the questions you are asking, then this book is for you. If you are tired of having to dig through pages of illusions, smoke screens, and mirrors to get to the bottom line...then you've found what you've been looking for. Think about it:

  • When wisdom reigns, it pours.
  • Fear and worry are interest paid in advance on something you may never own.
  • Remember that faith to move mountains always carries a pick.
  • People are born originals, but most die copies.
  • Ideas go away, but direction stays.
  • Being a servant won t make you famous just rich.


  • Give An Enemy Called Average one year, just one nugget a week, and your life will never be the same.



    From the back cover:

    If you are finally tired of the color beige...if you are sick of always making excuses for failure... if you are at the end of your rope...if you want to rekindle your dreams of significance and success... if you are ready to say no to procrastination-beginning right now...then this book is for you! International speaker John Mason has inspired millions of people in business, church, civic, and educational settings with his unique and captivating blend of wisdom, encouragement, and blunt honesty. Now for the first time, an updated and expanded edition of the very same book that has sold almost half a million copies at the back of auditoriums, is available to everyone who is ready to blast beyond average - including you. Let one of the world's premier inspirational speakers challenge you to grow and become all that God has created you to be with timely and enduring teachings that include 

    • A goal is a dream with a deadline. 
    • The chip on the shoulder weighs a ton. 
    • The best time of day is now. 
    • God will use you right where you are today. 

    Are you ready to defeat that 'Enemy Called Average' in your life? Your life is about to change forever as your mind and soul are renewed through reading the wisdom of this book! 

    <strong>About the Author:</strong>

    John Mason is the founder and president of Insight International, an organization dedicated to bringing excellence and efficiency to ministries and businesses. He travels the globe speaking to church, civic, and business groups. His books include "Don't Wait for Your Ship to Come in-Swim Out to Meet It," "Let Go of Whatever Holds You Back," "Believe You Can," "Know Your Limits--Then Ignore Them" and many others. He, his wife Linda, and their four children reside in Tulsa, Oklahoma. 

    <p><blockquote><strong>Product Details:</strong>
    Title: An Enemy Called Average
    Author: John Mason
    Binding: Soft Cover
    No. of Pages: 126
    Size: 5.5" x 8.5"
    ISBN-10: 971-0453-48-3
    ISBN-13: 978-971-0453-48-1
    SRP: P175.00/copy</blockquote></p>



    Published by Lifebooks, "An Enemy Called Average" is now available in all branches of National Bookstore, Powerbooks, Philippine Christian Bookstore and Fully Booked nationwide.

    For more inspiring books, visit www.acts29pub.com, follow Lifebooks on Facebook (http://www.facebook.com/lifebooks.ph) and Twitter (www.twitter.com/LifebooksPub).

    =====================================================================

    Thanks,
     
    Edsel Roy :)


    Mobile: 0939-9101206 #LiveMore



    Visit www.starmometer.com - Your Total Entertainment Blog




    --
    Jem Alvarado
    Work-at-home Independent Contractor/ Mommy blogger
    'Got to Believe' at 'Huwag Ka Lang Mawawala,' Mabenta sa Asya

    'Got to Believe' at 'Huwag Ka Lang Mawawala,' Mabenta sa Asya

    Mapapanood na sa tatlong bansa sa Asya ang action-suspense-drama na “Huwag Ka Lang Mawawala” (may international title na “Against All Odds”) habang marami na ring regional content buyers ang nagpahayag ng interes na bilhin ang romantic-comedy na “Got to Believe” matapos dumalo sa taunang content market conference na Asian Television Forum (ATF) kamakailan sa Marina Bay Sands sa Singapore.

    “Masaya kami na nagtapos ang 2013 na malakas ang benta ng ating dramas sa ibang bansa. Ang ‘Got to Believe’ at ‘Huwag Ka Lang Mawawala’ ay dalawa sa ating pinakamagandang seryeng ginawa noong 2013 at maraming markets ang nahihimok na ipalabas din ito sa kanila kasabay ng seryeng ‘Be Careful with my Heart.’ Kinakatawan ng tatlong ito ang patuloy na pagganda ng ating pamamaraan ng pagkwento pati na rin ang kalidad ng ating produksyon na pasok sa panlasa ng ibang lahi partikular na sa Asya at Africa,” paliwanag ni ABS-CBN Head of Integrated Acquisition and International Sales and Distribution Leng Raymundo.

    Sa pamamagitan ng International Distribution Division ng ABS-CBN, naipamalas at naipagmalaki ng Kapamilya Network sa content buyers ang dalawang nabanggit na serye na tiyak magbibigay ng kakaibang viewing experience sa banyagang fans ng Pinoy soap operas.

    Noong January 2014, nabenta at nakatakdang ng ipalabas sa Malaysia, Cambodia, at Vietnam ang “Huwag Ka Lang Mawawala” na pinangungunahan ng ‘Queen of Pinoy Soap Operas’ na si Judy Ann Santos. Nakuha ng serye ang atensyon ng foreign buyers dahil sa matapang na kwento ng buhay ni Anessa (Santos) at dahil ito ang unang “advocacy-series” sa Philippine television.

    Sa ATF, marami ring buyers ang interesadong bilhin ang "Got To Believe" kaya't malaki ang posibilidad na maere rin ito sa ibang bansa. Nahimok ang mga buyer sa serye dala na rin ng onscreen magic ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at ang light romantic content nito na naiiba sa kadalasang heavy drama offerings ng ABS-CBN sa merkado. Nalalapit ng matapos ang “Got to Believe” ngunit patuloy pa rin itong namamayagpag sa ratings dala ng malakas na suportang ibinibigay ng KathNiel fans.

    Ang “Huwag Ka Lang Mawawala” at “Got to Believe” ay dalawa lamang sa maraming Filipino dramas na naipalabas sa ibang bansa dahil sa ABS-CBN International Distribution.

    Ang ABS-CBN International Distribution ay kinikilala sa global arena bilang maasahang foreign content provider. Ito ang pinagkukunan ng dekalibreng Filipino programs sa mahigit 50 bansa sa mundo at nakapagbenta na ng mahigit 30,000 oras ng content worldwide. Dahil sa pagtangkilik na ito kung kaya’t mas pinag-iibayo pa ng ABS-CBN International Distribution ang kanilang serbisyo at mas maraming programa at pelikula pa na gawang Pinoy ang nais nitong maipagmalaki at maipamalas sa ibang kultura.
    Bench Denim 'Summer on a the Move' - Piolo, Kim, Dingdong, Enchong and More!

    Bench Denim 'Summer on a the Move' - Piolo, Kim, Dingdong, Enchong and More!

    Benchsetters Kim Chiu, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Enchong Dee, Billy Crawford, Georgina Wilson, Tom Rodriguez, etc. captured by renowned photographer Romain Rivierre, demonstrate the 'summer move' while wearing Bench denim in a series of posters for the brand's "Live Life with Flavor" campaign.

    Presenting....

    Isabelle Daza


    Borgy Manotoc


    Billy Crawford




    Dingdong Dantes



    Enchong Dee


    Georgina Wilson


    Kim Chiu



    Piolo Pascual



    Rayver Cruz


    Solenn Heussaff


    Tom Rodriguez



    Valerie Weighmann


    Images courtesy of Bench.com.ph
    Mensahe ng Pasasalamat ng Pinoy, Maririnig na ng Mundo sa 'Listen with Your Heart' Music Video

    Mensahe ng Pasasalamat ng Pinoy, Maririnig na ng Mundo sa 'Listen with Your Heart' Music Video

    Magsasama-sama ang world-class Pinoy music artists na sina Lea Salonga, Lani Misalucha, Arnel Pineda at Billy Crawford at iba pang mga mang-aawit para ipaabot ang mensahe ng pasasalamat ng mga Pilipino sa buong mundo sa pagiging bahagi ng pagbangon ng bansa matapos ang hagupit ni Yolanda sa music video na “Listen with Your Heart” na mapapanood na bukas (Feb 25) sa “It’s Showtime” at pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN.

    Ilang araw lang matapos ang pananalasa ng super bagyo, bumuhos agad ang tulong mula sa mahigit 50 bansa para sa mga biktima. 

    “Walang pagaalinlangang nakiramay at nagpaabot ng tulong ang buong mundo sa atin sa pamamagitan ng relief goods, rescue, at tulong medikal sa mga nasalanta. Sa pamamagitan ng tulong nila at maging ng kapwa natin Pilipino, dahan dahan tayong nakakaahon sa bangungot na dulot ni Yolanda. Panahon na para ipaabot natin sa kanila ang ating taos-pusong pasasalamat,” sabi ni ABS-CBN Creative Communications Management head Robert Labayen. 

    Gamit ang mga linyang like “Even the strongest heart can break. When we’ve had too much to take” and“Beyond our faith. Beyond our race. Hand in hand we’ll rise above,” ang “Listen with Your Heart” ay isang malaking pagpupugay sa sangkatauhan at nagsisilbing patunay na maaring magkaisa at maghawak-kamay ang lahat ng tao sa mundo sa oras ng pangangailangan. 

    Ang awiting sinulat ni Christine Daria-Estabillo at sinaliwan ng musika ni Marcus Davis Jr. ay sadyang nilikha gamit ang wikang Ingles nang sa gayo’y mas maiparating at mas maunawaan ng mga banyaga ang nais sabihin nito. 

    Bukod kina Lea, Lani, Arnel at Billy, kasama rin at nakiisa sa awiting ito ang iba pang sikat na OPM artists na sina Jaimie Rivera, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Juris Fernandez, Bugoy Drilon, Liezl Garcia, Jovit Baldivino, KZ Tandingan, Marion Aunor at Wynn Andrada.
     

    Panoorin ang premiere ng “Listen With Your Heart” sa “It’s Showtime” at pagkatapos ng “TV Patrol” bukas (Feb 25) sa ABS-CBN. Ang naturang music video ay gianwa ng Creative Communications Management Division ng ABS-CBN. Ito ay idinerehe ni Paolo Ramos kasama ang mga miyembro ng creative at production team na sina Johnny delos Santos, Roxy Liquigan, Jonathan Manalo, Danie Sedilla-Cruz, Mark Raywin Tome, Edsel Misenas, Jaime Porca, Jojo Medrano, Danica Rueda, Emil Rae Hembra, Alfie Landayan at Andrew Go.
    Stop Mediocrity in Your Life, Read 'An Enemy Called Average'

    Stop Mediocrity in Your Life, Read 'An Enemy Called Average'


    A great read for those who are tired of mediocrity. This book will encourage and help you to define your aspirations and goals, and inspire you to aim for excellence in your endeavors.



    Within every person has been placed a desire to be different, distinctive...To be an original. Deep down inside, everyone wants to be above average. No one really wants to 'just get by'... and John Mason believes that regardless of where you are in life, or how much you have or have not accomplished, God has a unique gift and calling just for YOU. 

    Divided into 52 "nuggets" of truth, An "Enemy Called Average" is a source of godly wisdom, scriptural motivation and practical principles. The words of this book will stir up the gifts inside of you. If you're looking for answers to the questions you are asking, then this book is for you. If you are tired of having to dig through pages of illusions, smoke screens, and mirrors to get to the bottom line...then you've found what you've been looking for. Think about it:
    • When wisdom reigns, it pours.
    • Fear and worry are interest paid in advance on something you may never own.
    • Remember that faith to move mountains always carries a pick. 
    • People are born originals, but most die copies.
    • Ideas go away, but direction stays.
    • Being a servant won t make you famous just rich.

    Give An Enemy Called Average one year, just one nugget a week, and your life will never be the same.



    From the back cover:

    If you are finally tired of the color beige...if you are sick of always making excuses for failure... if you are at the end of your rope...if you want to rekindle your dreams of significance and success... if you are ready to say no to procrastination-beginning right now...then this book is for you! International speaker John Mason has inspired millions of people in business, church, civic, and educational settings with his unique and captivating blend of wisdom, encouragement, and blunt honesty. Now for the first time, an updated and expanded edition of the very same book that has sold almost half a million copies at the back of auditoriums, is available to everyone who is ready to blast beyond average - including you. Let one of the world's premier inspirational speakers challenge you to grow and become all that God has created you to be with timely and enduring teachings that include 

    • A goal is a dream with a deadline. 
    • The chip on the shoulder weighs a ton. 
    • The best time of day is now. 
    • God will use you right where you are today. 

    Are you ready to defeat that 'Enemy Called Average' in your life? Your life is about to change forever as your mind and soul are renewed through reading the wisdom of this book! 

    About the Author:

    John Mason is the founder and president of Insight International, an organization dedicated to bringing excellence and efficiency to ministries and businesses. He travels the globe speaking to church, civic, and business groups. His books include "Don't Wait for Your Ship to Come in-Swim Out to Meet It," "Let Go of Whatever Holds You Back," "Believe You Can," "Know Your Limits--Then Ignore Them" and many others. He, his wife Linda, and their four children reside in Tulsa, Oklahoma. 

    Product Details:

    Title: An Enemy Called Average
    Author: John Mason
    Binding: Soft Cover
    No. of Pages: 126
    Size: 5.5" x 8.5"
    ISBN-10: 971-0453-48-3
    ISBN-13: 978-971-0453-48-1
    SRP: P175.00/copy

    Published by Lifebooks, "An Enemy Called Average" is now available in all branches of National Bookstore, Powerbooks, Philippine Christian Bookstore and Fully Booked nationwide.

    For more inspiring books, visit www.acts29pub.com, follow Lifebooks on Facebook (http://www.facebook.com/lifebooks.ph) and Twitter (www.twitter.com/LifebooksPub).


    Siwon at Donghae ng Super Junior, Mapapanood na sa 'Skip Beat' Simula Lunes

    Siwon at Donghae ng Super Junior, Mapapanood na sa 'Skip Beat' Simula Lunes

    Ganap na Kapamilya na ang Super Junior hearrthrobs na sina Siwon at Donghae pati na rin ang isa sa pinakahinahangaang model-actress sa Taiwan na si Ivy Chen dahil simula Lunes (Feb 24) mapapanood na ang pinakaabangan nilang Asianovela sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.


    Tapos na ang mahabang paghihintay ng fans dahil ang dalawa sa pinakasikat at pinakatinitiliang miyembro ng tanyag na Korean boy band na tinaguriang “King of Global Korean Wave” ay magpapakilig na sa Philippine television sa seryeng unang umere sa Taiwan.

    Sundan ang kwento ng super fan girl na si Nikki (Chen) na iaalay ang kanyang buhay sa pinakamamahal na childhood sweetheart at rising star na si Sam (Donghae).

    Isang araw ay mamumulat siya sa katotohanan ng marinig si Sam na may kausap na babae at sinabing ginagamit lang siya nito dahil baliw na baliw ito sa kanya. Sa puntong iyon, isinumpa ni Nikki na siya ay maghihiganti kay Sam at pagbabayarin niya ito sa pang-uuto sa kanya.

    Mas lalong sisilab ang galit sa kanyang puso ng minaliit siya ni Sam at sinabing hindi niya maisasagawa ang planong paghihiganti dahil magkaibang magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan. Dagdag pa ni Sam na ang tanging paraan para magawa niya ito ay kung mag-aartista rin siya.

    Ang mga katagang ito ang nag-udyok kay Nikki para tanggapin ang hamon at pasukin na rin ang mundo ng showbiz. Pagsisikapan ng dalaga na mapansin bilang isang aktres at maungusan sa kasikatan ang lalaking sumakit sa puso niya.

    Sa kanyang daan paakyat, makikilala niya si Kean, isa sa pinakamahusay na aktor at mahigpit na kakumpetensya ni Sam.

    Malalaman ni Kean ang planong paghihiganti ni Nikki kay Sam at tutulungan niya itong mas maging magaling na aktres. Si Nikki naman ay madidiskubre ang kakulangang nararamdaman sa buhay ni Kean at tutulungan naman itong maniwala sa kanyang sarili at kakayahan.

    Magkakalapit ang loob ng dalawa at hindi na maiiwasang mahulog sa isa’t isa. Sino ang pipiliin ni Nikki? Ang kanyang first o newfound love? Sino ang mas matimbang? Ang lalaking minahal niya o ang lalaking ngayo’y nagmamahal sa kanya?

    Hindi pa umeere ang naturang serye ay nakuha na nitong mag-trend ng dalawang beses nationwide sa social networking site na Twitter matapos bumuhos ang tweets ng netizens nang ipinalabas ang teaser nito sa telebisyon.

    Pakatutukan ang pag-uumpisa ng super kulit at super kilig na Asianovelang “Skip Beat,” ngayong Lunes (Feb 24) na pagkatapos ng “Galema: Anak ni Zuma” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, sundan ang @Kapamilyanovela sa Twitter o i-like ang official Kapamilyanovela Facebook page sahttp://www.facebook.com/ABSCBNKapamilyanovelas.

    ASAP Kapamilya Throws a Special Bridal Shower for Karylle

    ASAP Kapamilya Throws a Special Bridal Shower for Karylle

    Tuloy ang kilig na dala ng buwan ng ‘Feb-ibig’ sa “ASAP 19” ngayong Linggo (Pebrero 23) sa handog nitong nakaka-in love na concert performances na pangungunahan ng ASAP Sessionista member na si Aiza Seguerra, kasama ang “That’s My Tomboy” grand winner ng “It’s Showtime” na si April Mariz “Epey” Herher.


    Mas aapaw ang pag-ibig sa center stage ng “ASAP 19” dahil sa engrandeng bridal shower para sa bride-to-be na si Karylle. Gagawing mas espesyal ang pre-wedding treat kay Karylle ng kanyang ina na si ZsaZsa Padilla, kapatid na si Zia Quizon at ang best friends niyang sina Iza Calzado at Diana Zubiri.

    Saksihan ang world-class vocal performance mula kay Popstar Royalty Sarah Geronimo na sasamahan nina Erik Santos, Jed Madela, Bugoy Drilon at Thor. Paiibigin naman ng international singing sensation na si Charice ang TV viewers sa inihanda niyang special musical number.

    Bibilis ang tibok ng puso ng lahat sa pinakamalaking teen prom ng taon tampok ang Kapamilya teen stars na sina Julia Barretto at Jerome Ponce, Paul Salas at Ella Cruz; Marlo Mortel at Janella Salvador ng “Be Careful With My Heart”, Andrea Brillantes at Nathaniel Brit ng “Annaliza”; at Liza Soberano at Yves Flores, Alex Diaz at Kristel Fulgar, at Jon Lucas at Ingrid Dela Paz ng “Got To Believe.”

    Humanda rin para sa back-to-back birthday celebrations para kina John Prats at Empress; grand launch ng bagong girl vocal group ng “ASAP” na ‘Homegrown Divas’ na binubuo nina Angeline Quinto, Morisette Amon at Klarisse De Guzman; at special welcome para sa pinakabagong miyembro ng Star Magic family na si Paolo Onessa na maglo-launch ng kanyang debut album ngayong Linggo.

    Samantala, makikanta sa Karaoke hits kasama sina Mitoy, Marcelito Pomoy at Jovit Baldivino; at maki-jam sa musikang hatid nina Princess, Nyoy Volante, Paolo Valenciano at Tutti Caringal.

    Abangan din ang makapigil-hiningang dance performances mula kina John, Sam Milby, Gerald Anderson, Kim Chiu, Cristine Reyes, Maja Salvador, Iya Villania, at Nikki Gil.

    Tiyak na tatatak naman sa puso ng mga manonood ang concert treat mula kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano na makikipagrakrakan kasama ang OPM rock icons na sina Bamboo at Ebe Dancel.

    Huwag palampasin ang longest-running at award-winning variety show ng sambayanan, “ASAP 19,” ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.

    Para sa TV viewers na nais bumili ng ASAP official merchandise, bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa Quezon City, o bumisita lamang sa ABS-CBNstore.shopinas.com at MyRegalo.com.

    Makihang-out nang live kasama ang stars ng ASAP Chill-Out sa pamamagitan ng pag-log on sa ASAP.abs-cbn.com. Makisaya rin sa official networking accounts ng “ASAP 19” sa Facebook.com/asapofficial at Twitter.com/ASAPOFFICIAL, at makibalita sa latest happenings sa programa sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPLOVEMO.
    Higit sa 700,000 Pamilyang Apektado ni 'Yolanda,' Natulungan ng Sagip Kapamilya

    Higit sa 700,000 Pamilyang Apektado ni 'Yolanda,' Natulungan ng Sagip Kapamilya

    Dahil sa maigting na bayanihan ng mga Pinoy at pati na ng ibang nasyon, umaabot na sa 724, 995 pamilyang apektado ng Bagyong Yolanda ang natulungan ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN, 100 araw makalipas itong tumama sa bansa noong Nobyembre 2013.
     
    Bukod sa tuloy-tuloy na relief operation sa 14 na probinsya sa Visayas at Mindanao, layunin din ng Sagip Kapamilya na patuloy na hubugin ang mga kabataang matuto sa kabila ng pinagdaanan nilang trahedya. Sa katunayan, sinimulan na nito ang pagbuo ng mga silid-aralan at nakapagpamahagi na rin ng school supplies sa mga mag-aaral.

    "Mayroon na tayong mga uumpisahang paaralan. Siguro sa susunod na dalawang buwan, makakatapos tayo ng mga sampu hanggang 15 na silid-aralan," sabi ng program director ng Sagip Kapamilya na si Tina Monzon-Palma.

    Bukod sa edukasyon ay umaagapay din ang Sagip Kapamilya para muling ibangon ang kabuhayan ng mga nasalanta. Nakapagpamahagi na ito ng mahigit sa 100 bangka sa ilang pamilya sa Basey, Samar at Dulag, Leyte. Meron pang 4,000 bangka ang nakatakdang ipamigay sa iba pang coastal areas sa nasabing mga probinsya.

    Sa kasalukuyan ay nakalikom na ng P701 milyong cash donations at P250 milyong halaga ng in-kind donations ang Sagip Kapamilya.

    Sa kabila ng dami ng nalikom na donasyon, matindi pa rin ang tulong na kailangang iabot sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.

    “Akala natin na malaki na ang nakuha nating tulong, pero hindi humihinto ang pangangailangan nila para sa araw-araw," saad ni Palma.
    Julia Montes, Naghahanap ng Pagmamahal

    Julia Montes, Naghahanap ng Pagmamahal

    Ibabahagi ni Julia Montes sa TV viewers ang halaga ng pagmamahal para sa sarili ngayong Sabado (Pebrero 22) sa award-winning fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na “Wansapanataym.” Gagampanan ni Julia sa episode na pinamagatang ‘Three in One’ ang karakter ni Trina, isang probinsyanang nais makuha ang pagtanggap at pagmamahal ng mga tao sa paligid niya. Dahil sa kahilingan niyang manamit at maging katulad ng kanyang mga kaklase, pagkakalooban si Trina ng isang mahiwagang bato na magbibigay sa kanya ng kakayahan na gumawa ng panibagong katauhan na ayon sa kanyang kagustuhan. Matutunan kaya ni Trina na mahalin at tanggapin ang kanyang sarili kapag nawalan siya ng kontrol sa mga pagkataong nilikha niya? Tampok din sa ‘Three in One’ episode sina Malou Crisologo, Robi Domingo, at Eda Nolan. Ito ay sa panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Erick Salud. Huwag palampasin ang Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 UPLB Gandingan Awards na “Wansapanataym” ngayong Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Bet On Your Baby” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
    Araw-araw na ang Kulitan at Bee-ritan Kasama ang 'The Singing Bee'

    Araw-araw na ang Kulitan at Bee-ritan Kasama ang 'The Singing Bee'

    Mas masaya na ang bawat umaga dahil araw-araw mo nang makakasama sa kulitan at kantahan ang pambansang singing game show na "The Singing Bee," sa pangunguna pa rin nina Roderick Paulate at Amy Perez simula Lunes (Feb 24), 11 AM sa ABS-CBN.

    Kung isang beses sa isang linggo lang ang musical family bonding, ngayon ay limang beses na kayong aaliwin nina Kuya Dick, Amy, Songbees, Bandble Bee at ng Honeybees. 

    Mas marami ring pagkakataong manalo dahil kada araw mula Lunes hanggang Huwebes ay may tatanghaling champion of the day, na silang magbabalik at magtutunggali sa battle of the champions tuwing Biyernes para sa P1 milyong jackpot. 

    Maging ang mga tagasubaybay sa kani-kanilang tahanan, sa palengke, sa kalsada, o kahit saan man ay maaari na ring manalo ng papremyo dahil mismong ang “The Singing Bee” na ang mag-iikot sa inyong mga lugar para sukatin ang inyong galing sa paghula ng tamang lyrics. 

    Buena manong makikigulo sa mas pinabonggang “The Singing Bee” ang mga komedyanteng sina Vice Ganda, Pokwang, K Brosas, at Anton Diva ngayong Lunes (Feb 24). Susundan naman ito ng kinagigiliwang young stars na sina Sam Concepcion, Nash Aguas, Julia Barretto, at Alexa Ilacad sa Martes (Feb 25). Hindi rin magpapahuli ang magulong barkadahan ng “Banana Split” na sina Angelica Panganiban, Ryan Bang, Alex Gonzaga, at Aiko Climaco sa Miyerkules (Feb 26) habang ang cast naman ng hit family drama series na “Annaliza” na sina Zanjoe Marudo, Denise Laurel, Kaye Abad, at Patrick Garcia ang magpapasiklaban sa biritan sa Huwebes (Feb 27). 

    Ang mananalo sa naturang linggo ay makakalaban ang huling defending champion para sa season na ito na si Dulce. Sino-sino mula sa apat na grupo ang tatanghaling daily winners at magbabanggaan sa Biyernes (Feb 28) para sa pagkakataong masungkit ang pinakaaasam na P1 milyong jackpot? 

    Bukas ang "The Singing Bee" para sa mga manonood na nais sumali sa pinakamasayang musical game show ng bayan at posibleng maging susunod na milyonaryo. Para makalahok, i-text lamang ang BEE (pangalan) / (edad) / (kasarian) / (tirahan) / (numero ng landline) sa 231 para sa Smart at Talk N Text subscribers at sa 2331 naman para sa Globe, TM at Sun Cellular subscribers. 

    Patuloy  na maki-BEErit sa daily vitamin BEE ng Pinoy na “The Singing Bee,” Lunes hanggang Biyernes simula Feb 24, 11 AM sa ABS-CBN. Para sa updates, i-like at i-follow ito sa www.facebook.com/singingbeeabscbn,www.twitter.com/TheSingingBeePH, at www.instagram.com/thesingingbeeph. Ipahayag ang inyong mga opinyon at komento sa programa gamit ang hashtag na #TheSingingBeePH.
    Paulo Avelino, Umaasang Mabubuo Muli ang Pamilya sa 'Honesto'

    Paulo Avelino, Umaasang Mabubuo Muli ang Pamilya sa 'Honesto'

    Punong-puno ng pag-asa ang karakter ni Paulo Avelino sa top-rating drama series ng ABS-CBN na "Honesto" na muling mabubuo ang kanilang pamilya sa kabila ng pagkamatay ng kanyang inang si Lena (Angel Aquino). 

    Sa hangaring maitama ang pagkakamali ng kanilang pamilya, desidido na si Diego (Paulo) na ilantad ang mga kasinungalingan ng ama niyang si Hugo Layer (Joel Torre). Mababago pa ba ni Diego ang buhay ni Hugo ngayong balak nitong ipaghiganti ang pagkamatay ni Lena? Ano ang kanyang gagawin kapag nalaman niya na si Marie (Cristine Reyes) ay kasabwat rin ng kanyang ama? Mas mabubuo ba ni Diego ang kanilang pamilya sa oras na matuklasan niyang si Honesto (Raikko Mateo) ay kanyang anak? 

    Huwag palampasin ang huling apat na linggo ng “Honesto,” gabi-gabi, pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag–log on sa official social media accounts ng “Honesto” sa Facebook.com/Honesto.TV at Twitter.com/Honesto_TV.
    Filipino-Norwegian to compete in Women's Figure Skating this Wednesday on TV5

    Filipino-Norwegian to compete in Women's Figure Skating this Wednesday on TV5

    Anna Line Gjersem, the 2011 Norway’s figure skating national champion, will compete in the Women’s Figure Skating competition this Wednesday, February 19 at 11PM, LIVE on TV5 

    Anna Line, who is born to a Filipina mother and a Norweigian father, will be competing in a tough Women’s Short program where she hopes to land in the Top 24. The 20-year old figure skater is the first Noreweigian skater to represent her country in the competition after five decades. 

    The Women’s Figure Skating is considered the marquee competition in figure skating. The Filipino-Norwegian skater will face tough competition Kim Yu-Na of Korea and Mao Asada of Japan. Russian skaters like Adelina Sotnikova and Julia Lipnitskaia also figure to top in the early round of competition. 

    Anna Line will be someone for Filipino viewers to follow this Wednesday as she skates in the Short Program. Should she also qualifiy in this Thursday’s Free Program event, TV5 will also air it LIVE starting at 11pm.
    Koreanovela ng Super Junior, Trending Topic na Kahit Di Pa Umeere

    Koreanovela ng Super Junior, Trending Topic na Kahit Di Pa Umeere

    Hindi pa man ipinapalabas ay agad na gumawa ng ingay online ang nalalapit na Asianovela ng ABS-CBN na “Skip Beat” matapos itong mag-trend nationwide sa social networking site na Twitter.

    Dalawang beses nag-trend ang programa, una noong ipinalabas ang teaser plug at ikalwa noong ipinalabas ang full trailer, patunay na excited na talaga ang K-pop fans sa seryeng pinagbibidahanng nina Siwon at Donghae ng tanyag na Korean boyband na Super Junior, kasama pa ang Taiwanese sweetheart na si Ivy Chen.

    Mamarkahan ng “Skip Beat” ang pagiging ganap na Kapamilya nina Siwon, Donghae, at Ivy.

    Pero bago magsimula ang makulay nilang kwento,  pasara naman ang love story nina Gian at Janelle sa “Princess Hours.”

    Magpaparaya na si Janelle para na rin sa kapakanan ni Gian kaya tutulak na lang ito papuntang Macau. Ngunit kung inaakala niya ay mapapabuti ang crown prince dahil malayo na ito sa kanya ay nagkakamali ang dalaga dahil isang problema na naman ang kakaharapin ni Gian ng pagkaisahan siya at i-frame up sa isang kasalanang maglalagay sa kanyang trono sa alanganin. Tuluyan na bang mapapahamak si Gian? May pag-asa pa kaya ang pag-ibig nila ni Janelle?

    Huwag palalampasin ang pagtatapos ng “Princess Hours” ngayong linggo, pagkatapos ng “Galema: Anak ni Zuma” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, sundan ang @Kapamilyanovela sa Twitter o i-like ang official Kapamilyanovela Facebook page sa http://www.facebook.com/ABSCBNKapamilyanovelas.
    Mayor Junjun at Sen. Nancy: Hindi Madaling Maging Isang Binay

    Mayor Junjun at Sen. Nancy: Hindi Madaling Maging Isang Binay

    Madalas daw maging tampulan ng panghuhusga at kritisismo kaya naman parehong iginiit ng magkapatid na sina Mayor Junjun Binay at Senator Nancy Binay na hindi ganoon kadali dalhin ang apelyidong Binay.

    Kaugnay ito ng kontrobersyal na insidente sa Dasmariñas Village, kung saan inulan ng negatibong komento si Mayor Junjun sa social media matapos niya umanong sindakin ang ilang village guards doon na hinarang ang convoy ng apat niyang sasakyan at hindi papasukin sa isa sa mga gate nito. Diumano ay tinanong daw ng “Don’t you know me?” ni Mayor Junjun ang mga guwardiya. 

    Mariin itong itinanggi ni Mayor Junjun at nilinaw niyang hindi niya ginagamit ang posisyon para makapanlamang. Dagdag niya, maling ulat ang napabalita kaya nag-ugat ang insidente sa hindi magagandang komento mula sa publiko. 

    “Makikita mong may problema iyong istorya na ginawa nila. Madaling kainin ng publiko, madaling gawing pulutan. Siyempre, mas gusto ng mga tao 'yung may mga ‘Do you know me, do you know me.’ Mas may lasa,” paliwanag ni Mayor Junjun sa “Tapatan Ni Tunying” na mapapanood ngayong Huwebes (Feb 20). 

    Sinigundahan naman ito ni Sen. Nancy, na nasa convoy din nang maganap ang insidente, at pinabulaanan din ang isyu. 

    “Yung hirit ko kay Mayor Junjun, ‘Ikaw kasi, bumaba ka pa! Yan tuloy, nakita na hindi tayo mukhang pang-village,’” kwento ni Sen. Nancy. 

    Naniniwala rin ang senadora na nag-ugat ang diumano’y mga paninira para puntiryahin ang kanilang amang si Vice President Jejomar Binay na posibleng kumandidato bilang presidente sa 2016 elections. 

    “Siya mismo hindi matibag, kaya naman ang nangyayari ngayon, kaming nakapaligid sa kanya, baka kung kami 'yung siraan, baka kahit papaano maapektuhan 'yung ratings niya,” saad niya. 

    Huwag palampasin ang “Tapatan ni Tunying” (TNT) ngayong Huwebes, 4:45 PM sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates, sundan ang @TNTunying sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/TNTunying
    Robi Domingo, Maglalakwatsa sa Hokkaido Japan

    Robi Domingo, Maglalakwatsa sa Hokkaido Japan

    Lalakbayin ng Kapamilya host at TV personality na si Robi Domingo ang winter wonderland ng Hokkaido, Japan at tutuklasin ang iba’t ibang pasyalan at libangang matatagpuan sa mala-paraisong islang ito sa espesyal na dokumentaryong “Lakwatsero sa Hokkaido” ngayong Linggo (Feb 23) sa ABS-CBN Sunday’s Best.

    Kilala man ng ilang Pinoy ang Hokkaido bilang isang brand ng de lata, iilang Pinoy pa lang ang nakakapunta rito. Sa katunayan, halos 1,200 na Pinoy lang ang nakatira sa pinakahilagang isla ng Japan.

    Samahan si Robi sa kanyang paglalaro sa mala-pulbos na niyebe, pangingisda sa nagyeyelong Lake Shinotsu, at mapangahas na pag-akyat sa Mt. Asahidake, ang pinakamataas na bundok sa Hokkaido, para mag-selfie sa tuktok nito. Sabayan din siyang matuto na mag-snowboard sa isa sa mga popular na ski resort sa Hokkaido, at tikman ang masasarap at sariwang seafood, lamb dishes, at ramen doon.

    Huwag palampasin ang Hokkaido adventure ni Robi Domingo ngayong Linggo (Feb 23) sa ABS-CBN Sunday’s Best, pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice.” Ang “Lakwatsero sa Hokkaido” ay isang co-production ng ABS-CBN Integrated News at ng Sapporo-Hokkaido Contents Strategy Organization (SHOCS) ng Japan.
    'Be Careful' Teen Stars, Bibida sa 'MMK' Ngayong Sabado

    'Be Careful' Teen Stars, Bibida sa 'MMK' Ngayong Sabado

    Sasalang na sa drama ang teen stars ng hit kilig-seryeng "Be Careful With My Heart" na sina Janella Salvador at Marlo Mortel dahil bibida sila sa "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Pebrero 22). Bibigyang-buhay nila ang mga karakter nina Neneng at Celo, ang dating mahigpit na magkaribal sa paaralan na kalauna'y iibig sa isa’t isa. Paano pinaglapit ng tadhana ang dati'y aso't pusa sa eskwela? Sisiklab bang muli ang kompetisyon sa pagitan ng dalawa sa sandaling maging mas matagumpay sa buhay ang isa? Bahagi rin ng "MMK" episode nina Janella at Marlo sina Veyda Inoval, Kyle Banzon, Diego Loyzaga, Joshua Colet, Dominic Ochoa, Rochelle Barameda, Almirah Muhlach, Lander Vera Perez, at Marithez Samson. Ang episode ay idinerek ni Raz de la Torre, sinulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos, at isinaliksik nina Akeem del Rosario at Johnny Cruz. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producers na sina Lindsay Anne Dizon at Niña Laureano. Huwag palampasin ang “MMK" ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on saMMK.abs-cbn.com, sundan ang@MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang Facebook.com/MMKOfficial.
    Jodi at Richard, Alay sa TV Viewers ang 2 Taong Tagumpay ng 'Be Careful'

    Jodi at Richard, Alay sa TV Viewers ang 2 Taong Tagumpay ng 'Be Careful'

    Handog sa TV viewers nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ang halos dalawang taon nang pamamayagpag sa ere ng daytime kilig-serye nila sa ABS-CBN na "Be Careful With My Heart."

    "Dahil sa suporta ng mga manonood, patuloy kaming nabibigyan ng pagkakataon na magpasaya at magbigay ng pag-asa at inspirasyon sa mas marami pang tao," pahayag ni Jodi kaugnay ng kanilang programa na inilunsad sa Primetanghali block ng ABS-CBN noong Hulyo 9, 2012.

    Kwento ni Richard, madalas ay namamangha pa rin sila sa pagmamahal at lalim ng koneksyon ng TV viewers sa love story nina Maya at Ser Chief.

    "Masarap sa pakiramdam na kahit papaano ay nakakatulong sa kapwa sa kakaibang paraan. May mga may sakit kaming viewers na kapag nakita na kami ay sumasaya na," ani Richard. "Nandito lang kami lagi para pasayahin ang mga manonood at gagawin namin ito hangga't kailangan pa nila kami."

    Samantala, kapwa excited na sina Jodi at Richard sa magiging reaksyon ng publiko sa paglabas ng kanila 'Baby Kambal.'

    "Dapat tutukan ng lahat ang pagdating ng bagong member ng Lim family at kung paano babaguhin nina 'Baby Kambal' ang buhay nina Maya at Ser Chief," sabi ni Jodi.

    Huwag palampasin ang "Be Careful With My Heart," araw-araw, bago mag-“It’s Showtime” sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.
    'Best Ending Ever' ng 'Got to Believe,' sa Marso Na!

    'Best Ending Ever' ng 'Got to Believe,' sa Marso Na!

    Wala nang bitawan ang primetime TV viewers sa huling tatlong linggo ng top-rating romantic TV series ng ABS-CBN na “Got To Believe” na handog ang ‘best ending ever’ ng tambalang kinakiligan, kinahumalingan, at inibig ng buong sambayanan.
     
    Mula nang umere ito noong Agosto 2013, gabi-gabi nang wagi sa national TV ratings at worldwide trending topic sa Twitter ang masaya, makulit, nakakakilig, nakakaiyak, at puno ng pagsubok na love story nina Chichay (Kathryn Bernardo) at Joaquin (Daniel Padilla).

    Sa lahat ng hadlang na kanilang pinagdaanan, aasa pa rin kaya sina Chichay at Joaquin sa ‘magic’ ng pag-ibig nila para sa isa’t isa?

    Bahagi rin ng cast ng "Got To Believe" sina Manilyn Reynes, Benjie Paras, Ian Veneracion, at Carmina Villarroel. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Cathy Garcia-Molina, Richard Arellano, at Ricky Rivero.

    Samantala, patuloy na mabibili sa music at video stores sa buong bansa ang “Got To Believe” official soundtrack ng Star Records at “Got To Believe” DVD ng Star Home Video na kapwa nagkakahalagang P199 lamang.

    Huwag palampasin ang 'best ending ever' ng "Got To Believe" sa Marso 7 (Biyernes) pagkatapos ng “Honesto” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, o videos, mag-log on lamang sa www.got2believe.abs-cbn.com at sa official social media accounts ng programa sawww.facebook.com/G2B at www.twitter.com/G2BGottobelieve.
    Karen, Kikilalanin ang Dating Kaherang Yumaman sa Buko Pandan

    Karen, Kikilalanin ang Dating Kaherang Yumaman sa Buko Pandan

    Ibabahagi ni Karen Davila ang kwento kung paano lumago ang negosyong frozen buko pandan salad ni Nelly Co na nagsimula lang sa kanyang garahe at ngayo’y may bakeshop, restaurant, at factory na.

    Sa “My Puhunan” ngayong Miyerkules (Feb 19), tunghayan ang kwento ng nagpasimula ng Nathaniel’s Food Corporation, ang dating kahera at maybahay na si Nelly na nagpasikat ng ngayo’y tinatawag nang “Pampanga’s famous buko pandan salad.”

    Dalawang libong piso lang ang ipinuhunan ni Nelly sa negosyo noong 1994, ngunit ngayon ay isa na siyang certified multi-millionare. Araw-araw, 500 kahon ng frozen buko pandan salad ang nagagawa nila. Ang kanilang restaurant naman, may 10 branches na at naghahain ng iba’t ibang uri ng pang-meryenda, kakanin, at rice meals.

    Samantala, isang nakakakilig na istorya ng pag-ibig naman ang handog ni Doris Bigornia sa “Mutya ng Masa” bukas (Feb 18) kung saan itatampok niya ang “perfect match” na magkasintahang sina Rizza at Joel.

    Dalawampu’t anim na taong gulang noon si Riza nang nalaman niyang may sakit siya sa kidney at kailangan niya ng transplant. Handa man ang mga kapamilya at kaibigan niyang mag-donate sa kanya ng kidney, wala ni isa sa kanila ang nag-match at naging compatible sa kanya. Hanggang sa makilala niya si Joel na naging kasintahan niya. Nagkataon namang sa lahat ng pagsusuri, lumalabas na compatible ang kidney nilang dalawa.

    Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang “My Puhunan” ngayong Miyerkules (Feb 19), at ang katuwang sa lungkot at ligaya ng buhay, ang “Mutya ng Masa” bukas (Feb 18), 4:45PM sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @mypuhunan at @MutyaNgMasa sa Twitter o bisitahin angwww.facebook.com/MyPuhunan at www.facebook.com/MutyaNgMasa.
    Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved