Breaking News
Loading...

Sharlene, Jairus at Francis, Mas Nagiging Close sa 'Wansapanataym'




Gumaganda na ang samahan ng mga karakter ng Kapamilya teen stars na sina Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Francis Magundayao sa pagpapatuloy ng month-long “Wansapanataym” special nilang ‘Si Lulu at Si Lily Liit.’ Ngayong dumarami na ang nakakakita sa kanyang maliit na kakambal, magagawa ni Lulu (Sharlene) na itapon sa basurahan si Lily (ginagampanan din ni Sharlene) dahil sa gulong idinudulot nito sa kanyang buhay. Paano magbabago ang pagkakaibigan ni Lulu kina Harvey (Jairus) at Adrian (Francis) kapag natuklasan ng mga ito ang kakaibang katangian ni Lily? Maaalis na ba ang galit ni Lulu sa kanyang kapatid sa oras na hindi na nila ito matagpuan? Tampok din sa ‘Si Lulu at Si Lily Liit’ sina Paul Salas, Assunta de Rossi, Ron Morales, John Lapus, Desiree del Valle, John Medina, JB Agustin, Vladimir Galang, at Kazumi Porquez. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Manny Palo. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng month-long special nina Sharlene, Jairus, at Francis ngayong Sabado (Marso 15) sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 Gawad Tanglaw Best Educational Program, “Wansapanataym,” pagkatapos ng “Bet On Your Baby” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved