Breaking News
Loading...

Bagong 'Wansapanataym' Special, Tinutukan ng Buong Bayan




Wagi sa TV ratings ang pagsisimula ng pinakabagong "Wansapanataym"
special ng ABS-CBN na pinagbibidahan ng Kapamilya teen stars na sina
Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Francis Magundayao.

Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Sabado (Marso 1)
kung kailan pumangalawa sa listahan ng most watched weekend TV
programs sa bansa ang pilot episode ng "Wansapanataym Presents Si Lulu
at Si Lily Liit" taglay ang 30.7% na national TV rating, o mahigit
doble ng nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na "Vampire Ang
Daddy Ko" (15%).

Samantala, sa pagpapatuloy ng bagong "Wansapanataym" ngayong Sabado
(Marso 8), mapapanood na sina Sharlene, Jairus, at Francis dahil
magdadalaga na ang kambal na sina Lulu at Lily (kapwa gagampanan ni
Sharlene) at magbibinata na ang magkapatid na sina Harvey (Jairus) at
Adrian (Francis).

Mababago ba ang samahan ng kambal dahil sa pagseselos ni Lulu sa
atensyon na ibinibigay ng kanyang mga magulang kay Lily? Paano
maaapektuhan ng kalagayan ni Lily ang pakikipagkaibigan ni Lulu kay
Adrian at sa kanyang hinahangaan na si Harvey? Tuluyan na bang
masisira ang relasyon ng magkapatid dahil sa sumpang ibinigay kay
Lily?

Tampok din sa 'Si Lulu at Si Lily Liit' sina Paul Salas, Assunta de
Rossi, Ron Morales, John Lapus, Desiree del Valle, John Medina, JB
Agustin, Vladimir Galang, at Kazumi Porquez. Ito ay sa ilalim ng
panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Manny Palo.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng month-long special nina Sharlene,
Jairus, at Francis ngayong Sabado sa Best Development-Oriented
Children's Program ng 2014 UPLB Gandingan Awards, "Wansapanataym,"
pagkatapos ng "Bet On Your Baby" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang
updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa
Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved