Breaking News
Loading...

Nalalapit na Pagbabalik ng 'My Girlfriend is a Gumiho,' Nag-Trend Agad Worldwide




Muling saksihan ang nakakatuwa at nakakakilig na love story sa pagitan ng tao at mythical creature na ‘gumiho’ sa pagbabalik ng ABS-CBN ng hit Koreanovela na “My Girlfriend is a Gumiho” simula Lunes (Mar 17) sa Kapamilya Gold, bilang pagdiriwang ng kanilang mahigit isang dekada ng pagiging first and true home of Asianovelas sa telebisyon.

Hindi pa man ito umeere ay nag-trend na ang programa sa Twitter worldwide matapos bumuhos ang tweets ng netizens nang ipinalabas ng Kapamilya Network ang teaser plug ng napipintong pagbabalik nito.

Sariwain ang romansa at balikan ang 100 araw na pinagsamahan nina Dae Woong at Mi Ho. Dahil sa pagsagip ni Mi Ho sa buhay ni Dae Woong kung kaya’t napilitan ang binata na maging boyfriend nito sa loob ng nasabing araw.

Hindi mamalayan ni Dae Woong na nahuhulog na pala ang loob niya sa nine-tailed fox na nakaanyong babae.

Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay mahahadlangan ng hangarin ni Mi Ho na maging isang ganap na tao dahil para maisakatuparan iyon ay kailanganang ibuwis ang buhay ni Dae Woong.

Huwag palalampasin ang “My Girlfriend is a Gumiho” simula Lunes (Mar 17), 5:15 PM, pagkatapos ng “Galema: Anak ni Zuma” sa Kapamilya Gold. Humanda rin sa ultimate throwback ng ABS-CBN dahil nalalapit na rin nilang ibalik sa ere ang Asianovela na nagsimula ng lahat, ang “Meteor Garden.”

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved