Breaking News
Loading...

'Salamat Kapamilya' at 'Kapamilya Karavan,' Pinasaya ang 15,000 Davawenyo sa Araw ng Dabaw




Halos 15,000 na Kapamilyang Dabawenyo ang nakisaya at nakipag-bonding sa pinakamakikinang na stars ng ABS-CBN sa espesyal na back-to-back events nito para sa taunang “Araw ng Dabaw” noong Marso 14 at 15.

Dinagsa ng 5,000 katao ang ang ‘Salamat Kapamilya’ event sa Abreeza Mall noong Marso 14 na pinangunahan ng pinakabagong love team ng young stars na sina Enrique Gil at Julia Barretto.

Hindi pa man nagsisimula noon ang pinagbibidahan nilang primetime fantaserye na “Mira Bella” ay mainit na silang tinanggap ng mga dumalo. Nag-perform ang dalawa ng isang nakakakilig na production number bilang pasasalamat sa walang-sawa pagsuporta ng mga Dabawenyo sa Kapamilya network.

Tuloy-tuloy rin ang kasiyahan sa Marso 15 sa “Kapamilya Karavan” na dinaluhan ng 10,000 Kapamilya sa SM City (Ecoland) parking lot.

Pinainit ang nasabing event ng “Dyesebel” leading man na si Gerald Anderson, na tinilian at pinakilig ang fanssa kanyang song and dance number.

Pinagkaguluhan naman ang “The Legal Wife” stars na sina Maja Salvador at Joem Bascon sa handog nilang performance at sorpresa.

Nagbigay-saya rin sa mga dumalo ang ilang miyembro ng cast ng long-running hit teleserye “Be Careful With My Heart” na sina Tart Carlos, Vivieka Ravanes, JM Ibanez, Marlo Mortel, Janella Salvador at Jerome Ponce.

Ang 'Salamat Kapamilya' at 'Kapamilya Karavan' ay handog ng ABS-CBN Regional Network Group sa lahat ng Kapamilya viewers na ipinagdriwang ang taunang Araw ng Dabaw.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved